John tanggap na hindi na makikita ang ama
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

Dobleng lungkot at pasakit ang nadarama ng pamilya na namamatayan sa gitna ng coronavirus COVID- 19 man o hindi ang rason ng kamatayan, hindi pa puwedeng makasama sa huling sandali ang yumao.

Isa sa nagdadalamhati ngayon ang premyadong aktor na si John Arcilla. Malungkot niyang ibinalita sa kanyang Instagram na pumanaw na ang kanyag ama, si Dominador Alemania Arcilla.

Nilinaw ni John na hindi ang coronavirus ang rason ng pagkamatay ng ama. Ang ikinasasakit niya ng loob ay ang hindi niya makikita ang katawan ng ama. “His body is in Baler and due to this situation, wakes and celebrations of mass are not allowed.

“Our family wishes to Cremate him and pray together with his URN after this LOCKDOWN but we don’t have crematoriums in Baler and travel permits are complicated.

“The Funeral services can not send their services with my father’s remains in Cabanatuan or Manila.

“They can get a travel permit from the origin, but their staff has to be quarantined for 2 weeks or more in their second destination and has to settle another set of travel permit.

“So my father’s body will just stay in a funeral chapel for two days without the wake and will be buried with restrict attendance of people the next day,” bahagi ng caption ni John.

Maraming komplikasyon dulot ng COVID-19 pero naiintindihan ni John ang kasalukuyang sitwasyon. “My sense of judgment and reasons fully understood consequences. I just need to express something that is too much to bear,” saad pa ni John.

Nakikiramay ang Pang Masa pagpanaw ng ama ni John.

JOHN ARCILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with