^

Pang Movies

Zombie movie nina Julia at Joshua, nasa TV na agad

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Zombie movie nina Julia at Joshua, nasa TV na agad

Dahil lockdown nga, lumakas daw lalo ang mga video streaming app tulad ng  iWant ng ABS-CBN.

Siyempre, ang Netflix, ang bongga ng viewership ngayon.

Ilang years na rin akong may subscription sa Netflix at feeling ko, bawing-bawi ako dahil sa kapapanood ngayon ng mga pelikula, and yes, Ateng Salve, like you, nahilig na rin ako sa Korean series kesehodang sumasakit ang mga mata ko sa kababasa ng subtitles, huh!

Anyway, sa KBO (Kapamilya Box-Office) nga pala ng ABS-CBN, pinalalabas na ngayon ang Block Z nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Hanggang sa April 7 ‘yon, kaya for sure, matutuwa (o natutuwa na ang mga nakapanood) ng nasabing movie ng ex-JoshLia love team.

I’m sure, ‘yung mga hindi nanood ng Block Z noong ipalabas ‘yon sa mga sinehan noong January baka watch na rin nila ngayon sa KBO.

Eh, ‘di ba, Ateng Salve, hindi nga naging blockbuster ‘yon dahil affected yata ang mga fan nila sa tsika that time na nag-iiwasan ang dalawa during promotions.

Hehehe…

Balot na balot... Annabelle hindi nakilala sa bangko

Kahapon ay kakuwentuhan ko si Annabelle Rama. Sinita” ko si Bisaya kung lumabas ba siya ng bahay dahil may nakita akong nag-post sa kanyang Facebook account ng picture niya na naka-mask at gloves.

Ano ang suot ko? Baka si Alexa (Uichico, her daughter-in-law) ang nag-post dahil kinunan niya ako ng picture bago ako umalis,” sey ni Bisaya.

Nagpunta raw siya ng bank dahil kailangan niyang magbayad ng bills.Bukod sa naka-mask at gloves ako, may hood ang suot kong damit. Nakatakip pa ako ng gumot. Hahaha. Balot na balot ako.

Sa bank nga, hindi ako namukhaan dahil naka-shades pa ako,” sabi ni Bisaya.

May quarantine pass daw si Bisaya mula sa barangay nila, kaya nakalabas siya para mag-bank.

Umuwi rin daw siya kaagad at hindi na nag-grocery pa dahil marami pa naman daw silang pagkain sa bahay dahil may isang nag-offer na mag-deliver ng fresh meat, fish, vegetables at fruits sa kanila.

Saka nakakatakot din naman na lumabas at saan-saan ka pupunta. Bank lang ang pinuntahan ko,” sabi ni Bisaya na behaved talaga ngayong Luzon-wide enhanced quarantine dahil sa CO­VID-19 pandemic.

O, ‘di ba, kahit lakwatsera si Bisaya noon, natuto na siyang mag-stay at home lang at minsan lang lumabas!

‘Yun na!

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with