^

Pang Movies

Lea naka-P2 million na sa online concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lea naka-P2 million na sa online concert

Iba si Lea Salonga dahil ‘yung slot niya sa Bayanihan Musikahan, ang online concert spearheaded by Prof. Ryan Cayabyab, umabot sa P2-M ang donation. Puwede sigurong ibalik si Lea para marami pa ang mag-donate sa fund-raising na ang objective “To provide food and health protection packs for the urban poor reached by Samahan ng Nagkakaisang Pantawid Pilipino.”

Still on Lea, almost 200,000 na ang likes ng video niya ng kanilang cross-continent jam session nila nina Larry Yurman na nasa New York City at si Paul Viapiano na nasa LA. Ang dalawang musicians ang kasama dapat ni Lea sa tour niya sa Hawaii na hindi nga natuloy dahil sa COVID-19.

Pare-pareho ang comment ng netizens sa pagkanta ni Lea ng Stitches, malinaw ang lyrics at very clear ang rendition. Ang sarap daw pakinggan ni Lea, unlike sa ibang singers na kinakain ang lyrics ng song at hindi maintindihan.

Anyway, maganda ang prayers ni Lea sa frontliners at sabi nito, “To those that can’t stay home, i.e., you’re a doctor, delivery guy, grocery cashier, pharmacist, etc, blessings of protection be upon you. May your immune system hold fast and true. Prayers in your name will be said today and every day. Thank you for your service. Hang in there.”

Gabbi at Khalil may fund raising na rin

Ang Twitter announcement at pasasalamat ni Gabbi Garcia na “As of 5:00PM today

April 4), we we have officially reached our goal of 300,000! Our fundraising is complete! What we targeted in 2 weeks, came in 2 days!!! Thank you God for this provision!! Thank you to everyone who helped...”

Actually, umabot sa P305, 642.48 ang nalikom ng #PayITFORWARD campaign na ang nasa likod ay sina Gabbi at boyfriend nitong si Khalil Ramos at mga kaibigang sina Josh Dilay at Nina Patricia Santos. Ang beneficiary ay ang Ospital ng Paranaque 1 at Pasay City General Hospital. Ang target ng grupo ay 14 days ang fund-raising nila na ibibili ng Hazmat suit at meal para sa frontliners.

Napangiti lang kami sa isang netizen na nagpasalamat kina Gabbi at Khalil at wish nitong pati ang mayor nila ay tumulong din. Hindi binanggit ng netizen kung taga-Pasay ba siya o Paranaque.

Speaking of Gabbi, napapanood siya ngayon sa ibinalik na Encantadia ng GMA-7, nagtu-throwback ang fans nila ni Ruru Madrid, may nanghinayang na tsugi na ang love team nila at may umaasang someday, muli silang magtatambal. Sure silang hindi magseselos si Khalil, hindi lang sila sure kay Bianca Umali na baka magselos.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with