^

Pang Movies

Pelikula ni Nora, naudlot uli!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikula ni Nora, naudlot uli!

Tiyak iyon, naka-pangalumbaba na naman ang fans ni Nora Aunor. Kung hindi kasi nagkaroon ng COVID-19, ngayon sana ay simula na ng Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF) kung saan kasali na sana ang pelikula ni Nora na hindi isinali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December.

Umaariba na sana sila sa promo ng pelikula ni Nora nang biglang magkaroon ng isang national emergency, sarado ang lahat ng mga sinehan.

Ang sinasabi pa naman nila, gagawin nilang isang malaking hit sana ang pelikula ni Nora, para maipamukha sa MMFF na nagkamali sila nang ibasura nila ang pelikula kahit na maganda iyon, dahil lamang sa paniwala na hindi iyon makakasabay sa laban sa takilya.

Kaso nang isali naman sila sa summer festival, ayun at inabot naman ng COVID-19, kaya ang resulta, wala ring nangyari sa kanila. Hindi naman siguro nila maaaring asahang isasali iyan sa susunod na festival sa Disyembre.

Erwan nauna nang pinakita ang anak nila ni Anne

Si Erwan Heussaff ang unang naglabas ng picture ng baby nila ni Anne Curtis, pero makalipas lamang ang ilang oras ay inalis din niya iyon sa kanyang social media account.

Makalipas ang isang buwan matapos siyang manganak, si Anne na mismo ngayon ang naglabas ng picture ng kanyang baby na si Dahlia Amelie, na sinasabi pa niyang “napakagandang bata”.

Nanganak si Anne sa Melbourne, Australia at doon na nga inabutan ng lockout. May sarili rin namang deklarasyon ng lockout ang Australia, lalo’t matindi rin ang kaso ng COVID-19 doon, kaya hindi pa makabalik sa bansa si Anne.

Kung sabagay, wala rin namang dahilan para siya magmadaling umuwi sa Pilipinas. Wala rin naman siyang trabaho rito dahil tigil ang lahat ng shooting at tapings.

Tigil din naman ang lahat ng TV shows nila at puro replay lamang ang inilalabas sa local television maliban sa news.

Kung iisipin mo nga naman, mas maganda ang katayuan nila sa Australia.

Mga artistang walang ganap, tuloy ang pangingialam

Masyado na nga yatang politicized ang showbusiness. Hindi mo naman masisi ang mga artista kasi mga walang magawa iyan sa ngayon.

Liban doon sa mga artista na sumasama sa relief operations o gumagawa ng social work, ano nga ba ang maaasahan ninyo sa iba kung ‘di manghimasok na lamang sa mga hindi naman nila dapat panghimasukan.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with