_pang-masa
^
Luis nag-throwback ng hubad na katawan, followers pumalag!

Luis nag-throwback ng hubad na katawan, followers pumalag!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 5, 2020 - 12:00am

Panalo ang throwback photo ni Luis Manzano na centerfold niya sa Cosmopolitan Magazine noong 2003. Totally naked ang TV host at natatakpan lang ng pintuan ang kalahati ng buong katawan niya, pati na ang private part.

In fairness, ang hot ni Luis sa photo at pang-heartthrob ang dating. ‘Yun nga lang, hindi namin alam kung bakit siya napapayag na mag-pose ng ganito ka-daring na tila gustong maging sexy actor.

Caption ni Luis sa photo, “kumain na ba kayo? Kanin nalang kunin niyo dahil eto na ang ulam niyo.”

Umani ng katakot-takot na “likes” and “comments” ang throwback photo. Ang daming nag-comment na ang guwapo at yummy sa larawan. ‘Yung iba naman ay tawa nang tawa sa trip na ito ni Luis. Komento ng isang netizen, “tatlong beses akong nag saing! TAOB ANG KALDEROOO LUISSSSS!!!”

Sinagot naman ito ni Luis. “Aba’y gawin mo na wallpaper ng phone mo baka mawala pa,” he replied.

Maging si Robin Padilla ay nag-comment, “Nagulat si ate v Dyan kuya @luckymanzano.”

Pero siyempre, kahit marami ang natuwa, may mga basher din na nagsabi na hindi raw akma sa sitwasyon natin ngayon ang nasabing post.

Well, para sa amin ay okay naman ang post ni Luis at okay nga na pinapagaan niya ang mood ng mga netizens and fans niya sa tough times na ito.

And besides ever since naman ay ‘maloko’ si Luis sa social media at sanay na rin ang followers niya sa kanya.

Klea nami-miss na si Jeric

Sobrang miss na ng Kapuso star na si Klea Pineda ang magtrabaho at mag-taping ng serye niyang Magkaagaw.

“Sobra! Sa totoo lang, nanaginip ako one time na nasa taping daw ako ng Magkaagaw, ganun ko siya kamiss!” lahad ng dalaga sa aming email interview sa kanya.

Syempre, kasama na rin sa nami-miss niya ang kapareha niya sa serye at nali-link sa kanya na si Jeric Gonzalez. Pero good thing, may communication naman daw sila kahit hindi sila nagkikita.

Nasa bahay lang ang Kapuso actress kasama ang pamilya at masaya siya na ngayon ay marami silang oras para mag-bonding. Sinusulit niya ngayon ang bawat araw dahil alam niyang pag back to normal na ang lahat ay bihira na naman niyang makakasama ang mga ito.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with