^

Pang Movies

Maraming artista malaki ang nawalang kabuhayan sa ECQ!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maraming artista malaki ang nawalang kabuhayan sa ECQ!

Sa kanilang blog, sinabi ng bagong kasal na sina Mikael Daez at Megan Young na malaki ang naging epekto sa kanila ng enhanced community quarantine, kasi nga naman nawala ang lahat ng kanilang trabahong inaasahan. Ang sinasabi naman nilang advantage, mas nagkaroon sila ng panahon para sa kanilang mga sarili.

Hindi lang naman sina Mikael at Megan ang naapektuhan. Lahat halos ng artista ganyan din ang sentimiyento. Aba iyong sanay na lumabas sa telebisyon, ang isang araw na ta­ping na mawala sa kanila ay malaking bagay na iyon, at kahit sabihin ng network na babayaran sila, tiyak iyon hindi ganoon kalaki ang bayad na matatanggap nila habang wala silang ginagawa.

Pagtatanggol kay Vico, nagsobrahan naman

Nagtatalakan na silang lahat dahil sa imbitasyon ng NBI kay Mayor Vico Sotto, pero mukhang ang tatay niyang si Vic Sotto ay hindi man lang nagbibigay ng kahit na anong statement.

Hindi naman nangangahulugan ‘yan na walang pakialam si Bossing sa kanyang anak. Iyan ay nakikita naming isang porma ng kanyang pagtitiwala sa kakayahan at ginagawa ng kanyang anak kaya hindi siya nakikialam. Kung talagang kagipitan na iyan, imposible namang pabayaan niya si mayor. Wala naman sa record ni bossing na may anak na napabayaan.

Kaya lang kung sabihin nga ni Vic, ang lumalabas naman ay nagtatanong lang ang NBI sa kanyang anak. Ikalawa maging ang mas matataas na national officials ng bansa ay nagsasabing walang basehan para makabuo ng isang reklamo laban kay Mayor Vico.

Sobra na nga naman ang reaksiyon pabor sa kanyang anak, bakit pa siya kikibo?

Aktres na tumiwalag ng studio, biglang nag-iingay!

Nagsimula nang magpaka-relevant ang isang female star na biglang bumagsak matapos na layasan ang kanyang management company. Pero ang comment niya ay wala sa ayos talaga.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with