^

Pang Movies

Catriona at Lea naka-ipon ng tig-P1 million!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Catriona at Lea naka-ipon ng tig-P1 million!

Pantulong sa Smokey Mountain at frontliners

Payback time ang former Miss Universe Catriona Gray sa mga taga-Tondo.

Nakatanggap ng P1-M donation si Catriona para bigyang-tulong ang mga pamilya sa Smokey Mountain.

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Catriona sa mga donor at nangakong mapupunta sa tamang tao ang tulong.

Samantala, nag-live concert naman si Lea Salonga sa bahay last Thursday para sa benefit ng COVID-19 frontliners.

Bukod sa pagkanta ng ilang Broadway songs, bumanat din si Lea ng ilang OPM songs gaya ng Bakit Labis Kitang Mahal, Sana Maulit Muli at iba pa.

Umabot ng P1M ang dumating na donasyon bago matapos ang live show ni Lea.

Samantala, matapos mamigay ng relief goods, ang frontliners naman ang bibigyan ng ayuda ng Kapuso artist na si Mika dela Cruz.

Nagtayo ng donation website si Mika na tinawag niyang Share The Care (PPE for our FRONTLINERS).

Dapat din nating saluduhan ang lahat ng celebs na gumagawa ng sariling paraan para makatulong sa kasalukuyang krisis.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with