Dingdong nag-trending sa papamigay ng food packs
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 3, 2020 - 12:00am

Nag-trending number one sa Twitter si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil sa kanilang Andrew’s Fund Ph, kasama ang kanyang @yespinoy and the Caritas Offices of Catholic Dioceses with the leadership of Father Tito Caluag na hindi humihinto sa pagpo-provide ng food to marginalized families and frontliners, and education-to-employment support for our youth beneficiaries amid the COVID-19 crisis.

May 1,800 food packs ang ipinamamahagi nila sa families of daily minimum wage earners sa Payatas, Smokey Mountain, District 5 of Quezon City, Maisan in Sampaloc Manila, Brgy. Longos in Malabon, members of the Stunt Association of the Philippines, communities of the Dioceses of Novaliches, Cubao and Antipolo. Patuloy din silang magpapadala ng week-long supply para sa mga frontliners sa Quezon City General Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital at sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Tinulungan sina Dingdong ng Navy Reserve Command-NCR sa pagpa-pack ng goods at pagde-deliver sa recipients. Nagpasalamat din si Dingdong lahat ng donors nila.

Pagmamalupit kay Barbie mapapanood uli

Bumilib ang production staff ng Magpakailanman drama anthology hosted by Ms. Mel Tiangco, kay Kapuso actress Barbie Forteza dahil sa pagganap niya ng role ni Bonita Baran na mapapanood bukas, Sabado, April 4 na isang kasambahay at pinagmalupitan ng mag-asawang amo na ikinabulag pa niya. Hindi matatawaran ang tinamong pagmamalupit ni Bonita sa mga amo, at for sure ay nasasaktan din si Barbie sa mga eksenang iyon. Very professional naman si Barbie at wala siyang reklamo sa mga ipinagawa sa kanya.

Sa kasong ito ni Bonita Baran, naisabatas noong 2013 ang Republic Act No. 10361 ang Batas Kasambahay na nagbibigay ng karampatang benepisyo, sapat na sahod at proteksyon para sa mga kasambahay.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with