^

Pang Movies

Angel gustong pakasuhan si Sen. Koko

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang matapang na tweet ni Angel Locsin na “Hindi ako nag mamarunong sa batas, pero sa opinyon ko, si Koko (Pimentel) ang dapat ipatawag at hindi si Vico (Sotto).”

Reaction ito ni Angel sa balitang ipatatawag o pinadalhan ng letter si Pasig City Mayor Vico Sotto ng NBI Anti-Graft Division dahil daw sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sa sumunod na balitang ipatatawag din ng NBI si Sen. Koko, ang reaction ni Angel, “So, alam nyo na hindi sya pwedeng lumabas kasi quarantine sya. Bakit wala pang kaso? Worst, bakit hindi pa sya nag re-resign???”

Hindi lang si Angel ang nag-react, pati si Angelica Panganiban na isang Pasig City resident. Sabi ni Angelica: “Wala silang mapag initan. Si Mayor Vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos ba sistema, siya pa kakasuhan? HANEP! Eh nasan na ‘yung nagkalat ng virus sa makati med? So far kasi yun palang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga.”

Para kay Bela Padilla, “Sayang. May taong tumayo na at gumalaw para sa mga tao. Pinapaupo ulit. #protectvicosotto.”

Pati si Kim Chiu napa-react ng “Like what???!!! Yoko na!!! Ang hirap sa ph govt, pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mas nakakataas ang makakabangga mo, pag gumawa ka ng hindi mabuti kaming mga netizens lang ang kalaban mo at ang nakakataas ay...(emojis na nakakandado ang bibig) tinapos ang post.”

Marian hinihiritang ipagluto rin ang iba pang frontliners

Pinanood namin ang video ni Marian Rivera na nagluto ng menudo para sa frontliners sa Quezon City General Hospital. Si Marian mismo ang nagluto ng menudo at naglagay ng kanin at ulam sa lalagyan. Nakita rin sa video si Dingdong Dantes na tumulong ihanda ang food.

“Menudo ni Nanay Ingkang. Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight’s meal for them is our damily’s specialty-Menudo- a recipe that’s been passed on by my nanay.” Sinamahan ni Marian ang food pack ng kanyang personal note.

May may humirit na frontliner sa East Avenue Medical Center ng “Sana matikman rin po namin yung luto nyo po dito sa East Avenue Medical Center po @marianrivera.” Kaya hindi nakakagulat kung muling magluto si Marian para sa kanila.

In fairness, lahat ng celebrities kumikilos para makatulong sa iba’t ibang paraan, hindi lang nababalita ang iba.

Kris bumaba na naman ang blood pressure

Nabanggit na ni Kris Aquino in her earlier post kung bakit nasa Puerto Galera sila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Obviously, may hindi nakabasa sa post na ‘yun ni Kris, kaya sinagot ang tanong ng isang netizen kung bakit naroon sila sa Puerto Galera? Pinayuhan pa si Kris na kailangan nina Kris umuwi to get proper care dahil sa post niya, sabi nito bumaba ang blood pressure niya.

Sagot ni Kris: “Let’s be REAL- kung makauwi kami lahat ng bashing aabutin namin kasi ma a-accuse ng special treatment... later ang lunch sinigang w/ talbos ng kamote- diba good for the blood yun? My BP really drops pag nag masaman allergic reaction. Anyway zero covid cases. Kaya we are in a safe place, we do miss home pero na realize ko i would like to really live by the sea dahil iba ang fresh air- maganda for my health.”

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with