^

Pang Movies

Mariel binira sa kinaing steak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano ang masama kung nag-post si Mariel Rodriguez ng steak? Mayroon siyang gustong steak, pinaluto niya at kinain niya. May kakayahan siyang bumili at kumain ng steak eh, ano pa pakialam ninyo? Kung kayo ay walang kakayahang kumain ng steak at ang kaya lang ninyo ay mumurahing sardinas, hindi ibig sabihin noon lahat ng tao makikisama sa inyo na kakain ng sardinas na amoy kalawang na.

Siguro kung kayo may kakayahan ding bumili ng isang buong lechon, bibili rin kayo. Kung bukas nga lang ang paborito naming restaurant at may masasakyan kami, sigurado kakain din kami ng paborito naming paella valenciana. Eh ano ba pakialam ninyo?

DZMM napasukan ng virus

Sarado ang dzMM dahil kailangan daw na i-quarantine ang kanilang mga tauhan ng 14 days at ma-disinfect ang kanilang facilities dahil napasukan sila ng may COVID-19. Ang maririnig ngayon sa kanila at ang mapapanood sa tele-radyo ang ang mga palabas sa ANC.

Maso-solo ng dzBB at ng GMA News TV ang audience ngayon.

Isyu kay Mayor Vico sinakyan ng mga sikat na artista!

Trending agad sa social media ang imbitasyon ng NBI kay Mayor Vico Sotto ng Pasig, at hindi kung sinu-sino lamang ang kumukondena sa imbitasyon ng NBI, karamihan doon ay mga sikat na artista.

Natural naman siguro iyon dahil parehong sikat na artista naman ang kanyang mga magulang. At maging ang kanyang tiyuhin, si Senate President Tito Sotto na siyang principal author ng Bayanihan Law, ay nagsabing mukhang mali yata ang ginagawa ng NBI.

Pero ang totoo, wala namang demanda laban kay Mayor Vico. Hinihingan lang siya ng paliwanag tungkol diumano sa pagpayag niya na pumasada ang mga tricycle sa Pasig, na isang paglabag sa quarantine law, na noong panahon namang pinayagan niya ay wala pa ang batas. Bago iyon naisa-batas, wala na ang mga tricycle.

Palagay namin, nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan, pero sa nangyayari, aba eh parang nagiging hero na ngayon si Vico. Politically, pabor iyan kay mayor.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with