^

Pang Movies

Lorin tinalbugan ang nanay sa kusina

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Lorin tinalbugan ang nanay sa kusina

Naku, ‘katuwa ang cast ng Love Thy Woman, ang afternoon series ng ABS-CBN, dahil kahit lockdown nga ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, hindi naman sila nawawalan ng komunikasyon.

Nang makatsikahan ko kahapon si Ruffa Gutierrez ay ikinuwentong madalas pa rin silang mag-video conference.

May chat group din sila, kaya updated sila sa mga nangyayari sa bawat miyembro ng serye.

Nang magluto noong Monday si Lorin Gutierrez (panganay ni Ruffa) ng dinner nila na truffle cream pasta, ikinuwento ng aktres na hiningi ni Kim Chiu ang recipe no’n at gagawin din daw ‘yon ng PBB alumna.

Biniro ko nga si Ruffa na sayang at hindi magkasama ngayon si Kim at ang boyfriend nito na si Xian Lim dahil sa magkahiwalay silang lugar habang lockdown nga, pero sure, kapag natapos na ang Luzon-wide enhanced quarantine (hindi ba mae-extend?) ay ipagluluto kaagad ni Kim ng truffle cream pasta si Xian, huh!

Ang bongga!

O, Ateng Salve, get mo na rin kay Ruffa ang recipe no’n at ipagluto mo na ang unica hija mong si Aries ng truffle cream pasta dahil sabi nga ng aktres, sobrang yummy raw ng luto ng kanyang panganay. Sabi ko kay Ruffa, mukhang mas magaling naman sa kusina si Lorin compared to her, pero depensa niya, 13 years old pa lang daw kasi siya ay nag-artista na siya at naging busy sa showbiz plus her studies.

Pero noong bata pa raw siya at sa Northridge, California pa nakatira ang kanilang pamilya, siya raw ang assistant ng nanay niyang si Annabelle Rama sa kusina. “Ako rin ang taga-set ng table noong bata pa ako kapag kakain na kami,” sey pa ni Ruffa.

Hmph! Sige na nga!

Dating beauty queen na si Precious Tongko nag-alala para kina Sylvia at Art

Ang Binibining Pilipinas-Maja 1990 na si Precious Tongko na naging aktres din noong araw ay tumawag sa akin nang mabalitaan na nagka-COVID-19 ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Hiningi ni Precious sa akin ang cellphone number ni Sylvia. Noong February kasi na nagkasama kaming mag-dinner ni Precious sa isang restaurant sa The Americana sa Glendale, California, naikuwento niyang si Sylvia pala ang dahilan kung paano siyang napasok noon sa showbiz. Ipinakilala niya ako kay Tita Angge (SLN), kaya naging iisa ang manager namin,” sabi ng dating beauty queen/actress na based na sa Colorado pero madalas na nasa Los Angeles, California rin.

Actually, that time na nag-dinner kami, tinawagan ko pa si Sylvia at nagkausap silang dalawa.

‘Yun na!

vuukle comment

LORIN GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with