^

Pang Movies

Dating aktres na misis ng Mayor nag-positive rin sa COVID

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-positive din ang dating aktres na si Niña Jose at mister niyang si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao sa COVID-19 pero mabuti naman ang kanilang pakiramdam at nagpapagaling na raw.

Tinanong ko ang dating manager ni Niña, si Direk Manny Valera kung nagkausap na ba sila ng dati niyang alaga, pero hindi raw.

“Nag-post lang ako ng message doon sa pinost niya na nag-positive sila sa COVID-19 at sabi ko I’m praying for them at gumaling sana sila kaagad at ni-like naman niya ‘yung message ko,” sabi ni Direk Manny.

Well, sana lahat ng may COVID-19 ay tuluyan na ring gumaling!

Let’s all pray at maging positive pa rin sa buhay kahit na may ganitong pandemic!

‘Yun na!

Reality show star, hindi nagtagal sa singer / actor dahil sa anak na hindi tanggap

Ay, kaya pala hindi nagtagal ang relasyon ng isang reality TV show alumna at ng boyfriend niyang singer/actor ay dahil feeling ni girl ay hindi naman tanggap ni lalaki na may anak siya sa pagkadalaga,

Noon daw kasing nagkasakit at naospital ang anak ni reality TV show alumna, ni hindi man lang dumalaw si singer/actor na boyfriend niya.

Mabuti pa raw ang nakasama niya noon sa reality TV show na naging ka-love team at boyfriend niya, kahit break na sila, dinalaw pa rin ang kanyang anak sa ospital.

So, after nga na gumaling na ang anak ni reality TV show alumna, nag-decide siya na i-end na lang ang relasyon nilang dalawa ni singer/actor.

Hindi raw puwedeng hindi tanggapin ng lalaking seseryosohin niya ang katotohanang may anak na siya sa, huh!

Well, tama rin naman!

Sylvia at Art nanggulat

Marami ang nagulat nang sabihin ni Sylvia Sanchez na nag-positive sila ng mister niyang si Art Atayde sa COVID-19.

Kaagad na marami ang humiling ng panalangin para sa maagang paggaling ng mag-asawa.

Noong March 27 ay naka-message ko pa si Sylvia sa Facebook Messenger at hindi naman niya nabanggit na may nararamdaman na pala sila ni Art.

Basta ang sabi niya sa akin, “Ok lang” nang tanungin ko kung “Kumusta? Hope ok kayong lahat. Take care.”

Bale noong Tuesday ko na lang siya naka-FB Messenger uli nang sabihin kong, “Take care” na sinagot niya ng, “Ikaw rin.”

Nag-message ako sa kanya na I’m praying for you and Art’s fast recovery at “seen” na lang ‘yon at hindi na siya nakasagot pa.

Get well soon, Sylvia and Art!

vuukle comment

NIñA JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with