Bela at Angel hinahanapan ng resibo ng mga taong hindi nag-donate kahit singko!?
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 2, 2020 - 12:00am

Ayan na, may naghahanap na sa social media kung saan daw dinala ni Bela Padilla ang nakuha niyang donasyong mahigit na tatlong milyong piso. Hindi naman nagkulang si Bela, dahil noong una sinabi naman niya na naibigay niya ang goods na halagang isang milyon sa Caritas Manila. May ibinigay din siya sa LGU ng Pasay at iba pang mga napagbigyan niya ng suporta.

Pero alam naman ninyo ang mga tao, nabalitang nakakuha siya ng tatlong milyon, at kahit na iyong mga hindi naman nagbigay kahit na singkong duling, basta ang feeling nila hindi sila nakinabang, magtatanong iyan kung ano ang ginawa mo sa pera. Iyan ang talagang peligro sa fund raising. Nangyayari iyan kahit na sa simbahan, natatanong ang pari kung ano ang ginagawa niya sa pera, at ang masakit ang madalas na nagtatanong iyong hindi naman nagbibigay. Parang hindi nila alam na ang simbahan, nagbabayad din ng kuryente, tubig, mga tauhang naglilinis at gumagawa ng iba pang trabaho roon. Iyong pari nga lang ang walang suweldo, pakain lang.

Nasasabihan na rin si Angel Locsin na pa-impress. Hindi kasalanan ni Angel kung advance siyang mag-isip dahil na rin sa kanyang experience sa disaster operations. Naisipan niya ang pagtatayo ng tents para mas maka-accommodate ng mas maraming frontliners at maging mga may sakit na hindi na matanggap sa mga punung-puno nang ospital. Pero tumanggap din si Angel ng donasyon mula sa mga kaibigan niya, at tinatanong din siya tungkol doon.

Noong ang ginagasta ni Angel ay sariling pera lang niya, noong panahong pati ang isang kotse niya ay ipinagbili para makadagdag sa pambili ng relief goods sa mga biktima ng Yolanda. Noon ding panahong pera niya ang ginamit pambili ng relief goods para sa mga biktima ng Taal, walang sinabi kung ano man ang iba. Pero dahil tumanggap siya ng tulong ngayon, ayan na.

Ganyan talaga kung minsan, marami silang nasasabi kahit na anong buti ang gawin mo, pero hindi dapat tumigil ang mga gumagawa ng kabutihan dahil lang sa ilang buwisit.

Film industry inaasahang mabubuhay pagkatapos ng quarantine

Maraming nalulungkot sa film industry dahil halos sigurado na ngang hahaba pa raw ang quarantine na iyan, ibig sabihin walang trabaho. Sarado ang mga sinehan.

Pero sa tingin namin, iyan ang bubuhay sa film industry. Pagkatapos ng quarantine, tandaan ninyo ang mga unang pelikulang ipalalabas sa mga sinehan magiging hit, basta may katuturan.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with