^

Pang Movies

Bangs malapit nang manganak sa second baby

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bangs malapit nang manganak sa second baby

Excited na ang panganay ng London-based couple, ang actress-painter na si Bangs Garcia at Filipino-British husband nitong si Lloydi Birchmore na si Amelia sa kanyang magiging bunsong kapatid na nakatakdang isilang sometime in July this year ng dating aktres.

Si Amelia ay isinilang ni Bangs in London last December 5, 2017.

Sina Bangs at Lloydi ay nagkakilala in Boracay in January 2014 got engaged in the same place in 2015 and also got married in Boracay (twice – sa church at sa beach) in 2016.

Although nami-miss ni Bangs ang showbiz, hindi naman mapapantayan ang kanyang kaligayahan sa pagkakaroon ng isang mabait at very supportive husband at isang masayang pamilya kapiling ang kanilang panganay na si Amelia na malapit nang madagdagan ng isa pa.

Mich Liggayu nanganak na sa panganay

Natatandaan pa ba ninyo ang other half ng popular YouTube loveteam na JaMich nina Jam Sebastian at Mich Liggayu?

Si Jam ay sumakabilang-buhay nung March 24, 2015 dahil sa lung cancer pero bago pa man siya lumisan ay nakapag-propose ito sa kanyang fiancée in May 2014.

Sobrang naapektuhan si Mich sa pagyao ng kanyang fiancée at nanatili siyang single at inactive sa kanyang social media account sa loob ng halos tatlong taon until she finally met her new partner, ang singer na si Neo Domingo nung isang taon. Dito muli nakatagpo ng second chance sa larangan ng pag-ibig ni Mich.

Last March 24 ay isinilang ni Mich ang kanilang first baby ni Neo na si Anasthasia Margaret pero wala pang kasalan na pinag-uusapan ang dalawa.

BANGS GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with