^

Pang Movies

Kamiseta gumawa ng colorful PPEs para sa frontliners

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kamiseta gumawa ng colorful PPEs para sa frontliners

Ang cute naman ng mga PPE na donated ng Kamiseta Skin and Apparel ni Cris Roque.

Talagang very colorful siya Salve para at least daw sa very gloomy atmosphere ngayon, bright colors ang makikita ng mga frontliners natin.

One thousand PPEs ang madaliang ginawa ng  walang tigil na mga mananahi ng Kamiseta para magamit agad ng mga frontliner natin na itinuturing nating mga bagong bayani.

Nasa isip ni Cris Roque na konting sakripisyo lang para sa mga nagpapagod at hindi humihinto sa trabahong frontliners ang magsusuot ng mga ginawang PPE ng Kamiseta kaya feeling niya sulit na ang pagod niya.

Ipinakita rin ni Cris na dapat sa ganitong panahon iyon bayanihan spirit nating mga Pilipino huwag mawala at manatiling matibay.

Love you Cris Roque of Kamiseta, you made our day for your help sa frontliners natin.

Mga bagong bayani mas nakikilala sa quarantine!

Almost all cabinet members and officials umaandar ngayon. Iyong iba, kitang-kita mo ang brilyo sa trabaho at iyon iba parang mas naka­kagulo pa.

Amazing ang performances na ipinapakita ng mga mayor at spokespersons dahil sila ang madalas mo makita ngayon sa balita.

Nakakatuwa rin dahil bigla nag-shine at nakita iyon efforts ng medical field. Pati mga basurero natin ngayon appreciated mo dahil regular ang kuha nila ng basura, iyon mga salesperson na nasa groceries para meron tayong mabili na pagkain at gamit, lalo na iyon gamot. COVID-19 was really an eye opener. Dami natin nakita na hindi natin napapansin noon.

Now alam na natin at kilala na natin sila.

Lian Mayor may kakaibang pantaboy ng virus

Naku naloka ako sa kuwento ng isang taga-Lian Batanggas na iyon daw Mayor nila na si Dr. Isagani Bolompo ay para raw isang faith healer na naglalagay ng oil sa forehead ng bawat tao na pumupunta sa kanyang office sa munisipyo.

Parang iba sa dapat practice na social distan­cing at baka magkasakit pa si Mayor Isagani dahil wala raw siyang suot na mask habang ginagawa niya ang parang anointing of oil.

Ewan ko Salve kung bagong system ito dahil isa naman doktor si Mayor Isagani pero sana nga ay magandang atake ito sa pag-iingat sa coronavirus. At malay natin, ito ang makagamot sa mga tao sa Lian Batangas.

vuukle comment

KAMISETA SKIN AND APPAREL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with