Libreng movie marathon, pantanggal ng bagot!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

Naku Salve ha, dahil nakababad ako sa TV at panay ang nood ko ng mga pelikula ngayon ko na-realize ang dami ngang pelikula ang maganda at sayang na hindi naging tagumpay. 

Pero sa totoo lang, ang dami din mga pelikula na iisipin mo bakit ginawa eh ang pangit, hahaha. Talagang iisipin mo na aksaya ng pera at gusto mong talakan ang producer at artista na gumawa nito.

Pero siguro nga individual taste, dahil iyon ibang pangit na napanood ko, balitang kumita naman, at iyon ibang maganda, balitang semplang sa box office.

Talagang kung minsan suwertehan din , or talagang malakas ang hatak ng artista na bida sa tao kaya marami nanood. Pero nang magmahal ang bayad sa sine, med­yo maingat na rin ang moviegoers sa mga pelikula na pinanonood nila. At least now na lockdown, hayan lahat ng pelikula puwede mo mapanood sa TV.

Bongga siya, movie marathon ka talaga, wala pang bayad. Hahaha!

Camille naka-isolate pagkagaling ng Amerika

Sinusulit ngayon ng Mars Pa More hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ang kanilang oras na makipag-bonding sa kani-kanilang mga anak habang nasa  bahay dahil sa ipinatupad na lockdown sa Luzon. Ibinahagi ng dalawang Kapuso stars ang ilang parenting tips sa no contact online show ng GMA noong nakaraang Linggo. Ikinuwento ni Iya kung paano niya sinimulang i-potty train ang kanyang mga anak, “Actually, na-inspire ako kay Jennica [Garcia] kasi sinimulan niya ‘yung mga anak niya I think as early as four months. Kay Primo sinimulan ko siya ng bago siya mag-one year old. Itong kay Leon, four months sinimulan na namin.”

Hahang si Camille naman ay ibinahagi na kasalukuyan siyang naka-self isolate dahil kagagaling lang nilang mag-asawa sa Amerika kaya nasa pangangalaga ng kanilang relatives ang mga anak, “Ang ginagawa ng sister-in-law ko sa mga pamangkin ko at sa anak ko na nasa mommy ko, nagbibigay sila ng activities nagti-trace sila ng lines, nagko-color sila. Let’s come up with activities to keep them busy. Ito na ‘yung opportunity para maturuan sila.”

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with