Mga manloloko, hindi pinatawad si Angel
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

Nakakadismaya ang ibang tao dahil may pandemic na nga, may lakas pa ng loob na manloko ng kapwa nila. Nanawagan si Angel Locsin na fake ang account na Angel Locsin Staffed kung saan tinatanong ang nangangailangan ng tulong at pinapili pa ng 1500 cash o relief goods.

Sabi pa ng mga manloloko, hahanap sila ng 150 persons na puwedeng mag-claim ng 1500 sa Palawan Express. Pinayuhan pa ang mga may gusto ng pera na i-follow ang account nila at may mga hiningi sigurong information sa mga sumagot.

Ipinakita pa ang ilang tao na nagre-repack ng relief goods para siguro maniwala na legit ang nasabing account at para i-follow sila. Mabuti at maagang nalaman ni Angel, kaya agad nagbabalang fake ang nasabing account. “We would like to inform everyone that this account is NOT ANGEL LOCSIN nor connected to her. We are asking for everyone’s cooperation to report this account.”

Speaking of Angel at ang fiance niyang si Neil Arce, sa update ng engaged couple, 28 hospitals na ang nabigyan nila ng tent sa kanilang #UniTentweStandPH campaign. Almost P4M na rin ang donations na nalikom, kaya sabi ni Angel, kapag natapos na nilang set-upon ng tent ang 28 hospitals at may sobra pang pera, dadagdagan nila ng hospitals ang bibigyan ng tent, kahit wala sa listahan nila, kaya guys, tuloy lang ang pagdo-donate.

Sharon pinadalhan ng pagkain ang mga apo kay KC

Okay na nga sina KC Concepcion at mom niyang si Sharon Cuneta dahil sa isang post ni KC sa Instagram (IG), nabanggit na pinadalhan ni Sharon ng dog food ang two dogs na alaga ni KC.

Anyway, isa rin si KC sa mga Pilipino na nag-react sa unang nabalitang P500 allowance lang ang ibibigay ng gobyerno sa health frontliners na nagtutulung-tulong para labanan ang COVID-19.

“Frontliners deserve more than P500 a day. They are risking their own lives, yan lang ba ang kapalit?”

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with