^

Pang Movies

Ruffa lagging naka-monitor kay Iza

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa lagging naka-monitor kay Iza

Alam mo, Ateng Salve, bukod sa naging sisters sila sa pelikulang Desperadas 1 & 2, good friend ni Ruffa Gutierrez si Iza Calzado na nag-positive sa COVID-19, kaya naman palagi siyang naka-monitor sa mga balita tungkol sa kaibigan.

Hiningan ko nga ng message si Ruffa para kay Iza at ito ang sinabi niya, Dearest Iza, Here’s sending you prayers, love, light and the courage to fight the virus. You will overcome this!!! We love you! #LABANIZA.”

Panay nga ang dasal ni Ruffa for Iza at isa siya sa nananalig na malalampasan ng kaibigan ang sakit na ito.

Samantala, dahil naka-quarantine lang sa kanyang bahay si Ruffa (pang-third week na niya), natututo na siyang magluto ngayon.

Maraming dishes na gustong matutunan si Ruffa at sana nga raw ay maluto niya ang mga ‘yon para sa mga anak na sina Lorin at Venice.

Siyempre, type rin niyang ipagluto ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at mga kapatid niya.

Lovi nagsising ‘di nakasama ang dyowa sa quarantine

Kahapon naman ay ka-chat ko si Lovi Poe.

Actually, nag-message siya para mangumusta. Tinanong niya kung ok lang ba ako.

Siya raw ay nasa bahay lang dahil nga lockdown ang lahat sa Luzon.

May kasama naman daw siya, kaya hindi talaga siya home alone.

Nalaman ni Lovi na nasa Los Angeles, California ako kung saan based din ang Hollywood producer na si boyfriend niya, si Montgomery Blencowe.

Sabi ni Lovi, sana nag-fly na lang siya ng L.A., pero marami raw kasi ang nag-advice sa kanya na huwag na. Everyone kept saying kasi na huwag na, eh!” sabi ni Lovi.

Anyway, kahit naman nasa Philippines lang siya at nasa L.A. si Mont ay constant naman ang kanilang pagbi-video chat.

‘Katuwa lang na pagdating sa relasyon nilang dalawa ni Mont ay very open si Lovi. I’m sure kapag natapos na ang problema sa COVID-19, kung hindi man si Lovi ang magpunta ng L.A. ay bibisitahin naman siya ni Mont.

‘Yun na!

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with