Bayanihan sa showbiz, dumami pa!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

Alam mo, Salve A., sobrang nakakaalarma ang paglobo ng mga taong positibo sa coronavirus (Covid-19) with a global death toll of 27,000 plus at 68 dito ay nagmula sa Pilipinas na meron nang nakatalang mahigit 1,000 ang positibo sa killer virus at mahigit 600,000 sa buong mundo. Labing-isa na rin sa ating mga medical practitioners ang nalagas habang ang iba sa kanila ay patuloy na nakikipaglaban sa kanilang mga buhay.

Habang marami ang nagdarasal sa agarang paggaling ng actress na si Iza Calzado, marami rin ang humanga sa kanyang tapang na ipaalam sa publiko ang kanyang kundisyon for everybody to know ang kanyang pagiging matatag na labanan ang kanyang sakit  at maging aware ang lahat na  hindi dapat balewalain ang mapamuksang coronavirus (Covid-19) na ito.

Sa gitna ng pandemic na kinakaharap ng Pilipinas at ng buong mundo, dapat pa rin nating saluduhan at hangaan ang mga nasa frontline na patuloy na isinusuong ang kanilang mga sarili para sa kaligtasan ng iba.

Hindi rin nawawala ang bayahihan sa marami nating mga kababayan gayundin ang marami sa ating mga personalidad sa showbiz na nagpapaabot ng tulong sa sarili nilang kapasidad tulad ning Sen. Manny Pacquiao, Angel Locsin, Vice Ganda, Anne Curtis, Bela Padilla, Pokwang, Ronnie Liang Matteo Guidicelli, Kim Chiu, Willie Revilla, Kris Aquino, Judy Ann Santos  at iba pa. Labas pa rito ang iba’t ibang fund-raising efforts ng mga TV networks at iba pang grupo.

Sa inyong lahat, saludo po kami.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with