Heart laging nakabihis kahit hindi umaalis ng bahay
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

Tatalunin ang ibang barangay ang food packs na ipinamimigay ni Heart Evangelista sa rami. Pino-post kasi nang nabibigyan ng food pack ang padala ni Heart, kaya nalalaman ng netizen.

Ang isang food pack, may kape at coffee mate, may sandwich spread, cheese, milk, toothpaste, toyo, suka, shampoo, laundry soap, detergent, biscuits, chichirya at zonrox.

Ang isang food pack, may kasama pang peanut butter at dog food, comments tuloy ng netizen, ilagay si Heart sa DSWD dahil marunong kung ano ang ilalagay sa food pack. Kahit sabihin pang ang ibang goods ay endorsements ni Heart, maganda pa rin siya mamili ng mga bagay na isasama sa food pack.

Kaaliw pala si Heart dahil ang TikTok nito kahit wala siyang lakad dahil bawal lumabas, nagbibihis siya at nag-aayos na parang rarampa. Ang ibang TikTok nga ni Heart, kinunan sa kanyang walk-in closet.

Gina nagpasalamat sa medical workers na nag-asikaso sa kanya

Deleted na sa Instagram (IG) ni Gina Alajar ang pinost niyang result ng kanyang COVID-19 test na kinailangan niyang i-post dahil nasulat siya na PUI. Makikita sa result na negative sa COVID-19 ang director ng Prima Donnas, kaya late na raw ang nasulat tungkol sa medical condition niya.

Nakaranas ng sintomas ng COVID-19 si direk Gina, kaya agad pumunta sa Asian

Hospital and Medical Center para magpakonsulta at magpa-test. Galing sa Research Institute for Tropical Medicine ang result ng Covid-19 at nakalagay nga doon na negative siya.

Hindi itinago ni direk Gina na nagpa-check up siya sa Asian Hospital and Medical Center and in fact, pinasalamatan ang lahat ng health workers ng hospital pati ang maintenance people.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with