KC hindi aware sa ginagawa ni Angel?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

Siguro kaya nagbigay naman ng ganoong comment si KC Concepcion kasunod ng mga balitang marami na ang mga ospital ang tumatanggi sa mga Covid-19 patients, dahil diumano sa puno na ang kanilang mga isolation wards, at marami na sa kanilang mga medical worker ang naka-quarantine dahil sa exposure ng mga iyon sa mga pasyente nila.

Aba eh kung hindi nga naman sila tatanggi, baka maubos ang kanilang mga medical worker sa quarantine at hindi na nila maharap ang ibang pasyenteng may iba namang sakit.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit nasabi ni KC Concepcion na bakit walang nagtatayo ng mga “make shift medical centers” para may mapaglagyan sa mga may sakit na Covid19.

Hindi siguro alam ni KC, iyon nga ang ginagawa na ngayon ni Angel Locsin. Nananawagan siya sa kanyang mga kaibigan, humihingi ng tulong dahil hindi naman niya makakayanang maipatayo ang lahat ng iyon, pero marami na silang naipatayong air conditioned tents na maaaring magamit ng mga front liner, mga medical workers at maging mga may sakit.

Kumpleto ang gamit sa mga tent na iyon na ipinatatayo ni Angel at ng kanyang grupo. Mas nauna pa nga siya kaysa sa gobyerno.

Sanay kasi ang batang iyan sa disaster preparedness dahil sa naging training bilang isang Red Cross volunteer.

Minsan matatawa ka nga eh. Nauunahan pa ng mga nasa pribadong sektor kagaya nina Angel, ng mga broadcasting networks, at iba na na nangangalap ng pribadong donasyon, ang gobyerno sa pagpapalabas ng tulong laban sa Covid-19.

Dasal lang ang maaasahan...

Iyong nangyari kay Iza Calzado, hindi na kami nagulat. Mayroon siyang pneumonia, sa panahong ito saan ba manggagaling iyon eh wala naman siyang history ng respiratory problem. Talagang kung bigla kang magkaroon ng ganyang sakit, maaaring masabi ngang tinamaan ka na ng Covid-19 kahit na hindi ka pa sumasailalim sa testing.

Tingnan ninyo, naghihintay pa siya ngayon ng second test. Kasi nga kahit na iyong pinagtitiwalaang RITM nagkakamali, example na nga ang kaso ni Congressman Yap, na nagkamali raw ang RITM sa encoding.

Talagang sa ngayon, ingat na lang talaga ang kailangan. Magdasal na lamang dahil wala na tayong ibang maaasahan.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with