Maine mahigit kalahating milyon na ang naipon sa ‘donation!’
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 28, 2020 - 12:00am

Kahapon din ay ini-launch na at nag-premiere sa YouTube ang #ParangKailanLang music video ni phenomenal star Maine Mendoza, isa sa recording artist ng Universal Records Ph, after mag-top ang kanyang first single sa iTunes, Spotify at iba pang music platforms.  This month of April din, si Maine ang magiging Celebrity DJ ng MYX.

Meanwhile, umabot na sa P587,677.92 ang mga donation na natanggap ni Maine sa kanyang DoNation Drive. Nakapagpadala na siya ng financial support sa may 587 families sa nakaraang 6 na araw sa pamamagitan ng GCash.  May accounting si Maine sa mga naipadala na niya at pwede itong makita sa the DoNationdrive.wordpress.com.

Mga bigating singer nagsama-sama sa ‘We Heal’

Ang isang awitin na minsan nang nagbuklod sa mga Pilipino noong idaos ang 2019 South East Asian Games ay muling isinulat at niri-arranged ang music, pinalitan at iniba ang lyrics para maging angkop sa ating napapanahong pagsubok dahil sa COVID-19.

Titled We Heal As One, ating panoorin (ipinalalabas ito madalas sa mga TV networks during station breaks), pakinggan (nai-share na ito sa Facebook at iba pang social media platforms) at pagkunan ng inspirasyon para sa pagkakaisa nating mga Pilipino.

Mula sa mga taong nasa likod ng 2019 Philippine South East Asian Games Opening Ceremony kasama ang ating mga world class Filipino singers, nabuo ang kanta mula sa kani-kanilang mga tahanan.

Ang mga Original Pilipino Music (OPM) artists na nagbigay ng oras nila, (in order of appearance), sina Inigo Pascual, Julie Anne San Jose, Jed Madela, Pops Fernandez, Mark Bautista, Jamie Rivera, Rita Daniela, Paolo Valenciano, KZ Tandingan, Aicelle Santos, Isay Alvarez, Menchu Launchengco, Ogie Alcasid, Michael Williams, Robert Sena, Alden Richards, Ken Chan, Christian Bautista, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Bamboo, Lani Misalucha, Gary Valenciano, Apl de Ap at Lea Salonga.

Music by Maestro Ryan Cayabyab, title & lyrics by Floy Quintos, music arrangement by Jimmy Antiporda, music producer is Eloisa Matias and music video director is Frank Lloyd Mamaril.

Kasama pa rin sa video ang panawagan na suportahan, tulungan at ipagdasal ang ating mga magigiting na bayaning Frontliners. At ang panawagan din nilang STAY HOME!

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with