^

Pang Movies

Mariel laging nakakulong sa apartment sa New York!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mariel laging nakakulong sa apartment sa New York!

Alam mo, Ateng Salve, maraming celebrity-friends ang nagpapaalala sa akin na mag-ingat dahil alam nilang nasa Los Angeles, California ako.

Noong Thursday afternoon (US time), more than 74,000 cases na ng coronavirus ang naiulat sa Amerika. About half daw ay sa New York na almost 10 timea sa ibang mga state.

Nakakatakot nga, kaya hindi talaga ako lumalabas na ng bahay, huh!

Ang beauty queen/actress na si Mariel de Leon na anak ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, based na ngayon sa New York dahil may modeling contract siya doon sa isang top agency.

Kahapon ay ka-DM (direct message) ko si Mariel sa Instagram (@mariadeleonofficial) at kinumusta ko siya dahil maraming friends ko na taga-New York ang takot na ring lumabas ng bahay nila. “Hi. Hope you’re fine. Nakakatakot na sa New York!” sabi ko kay Mariel.

Mabilis naman siyang sumagot ng, “Yes, I’m okay here. Thank you.”

Sa nakikita ko naman na mga post niya sa IG ay palagi lang siyang nasa bahay.

Madalas ay gumagawa siya ng do-it-yourself home improvement dahil kamakailan nga lang siya nakalipat sa sarili niyang apartment.

Nabanggit ko na rin lang si Christopher, very happy si Amanda del Mundo ng Love Thy Woman at nakauwi na ng bahay ang premyadong aktor after na ma-hospital at amining nag-positive siya sa COVID-19.

Sino si Amanda del Mundo? Si Ruffa Gutierrez.

Isa nga si Ruffa sa gumaganap na babae ni Bro. Bo (paboritong tawag sa premyadong aktor) sa nasabing afternoon series ng ABS-CBN at nabanggit nga niya sa akin kahapon na thankful sila na ok na ito.

Isa si Ruffa sa nanalangin sa maagang paggaling ni Bro. Bo!

Alfred nakalabas na ng ‘kuwarto’

Nakalabas na ng kanyang kuwarto noong Thursday si Quezon City 5thDistrict Representative Alfred Vargas.

Nag-self quarantine sa isang kuwarto sa kanilang bahay ang actor/politician dahil may nag-positive sa COVID-19 sa House of Representatives.

For safety na rin ng lahat ang ginawa ni Alfred.

Para rin ‘yon sa kanyang pamilya. “Kalalabas ko lang kahapon. Naninibago pa ako!” sabi ni Alfred nang makausap ko. Reunited na raw siya sa misis na si Yasmine at tatlo nilang mga anak, “Pero strict hygiene pa rin ang minimal contact!”

At least, kahit walang symptoms si Alfred, nag-self-quarantine pa rin siya for 14 days nang i-advice sila na may nag-positive sa COVIDZ-19 sa House of Representatives, huh!

Good!‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with