Resto ng ex ni Echo magbubukas para maka-deliver
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

Anak ni Jericho Rosales sa dating model na si Kai Palomares si Santino Rosales.

Dalaga pa lang si Kai ay magkakilala na kami, kaya nang magbukas sila ng restaurant sa Parañaque City last year ay naimbitahan niya ako doon.

Ilang beses ko na ring nakakatsikahan si Santino and like his dad, mabait din ang binata.

Noong Friday, birthday ni Kai at napaka-sweet nga raw ni Santino dahil ipinagluto niya ng breakfast ang kanyang nanay.

“Birthday is going good naman despite the lockdown. We closed the restaurant because the staff have no ride available and we also cannot pick them up since there are boundary restrictions.

“We are at home and Santino cooked a birthday breakfast for me,” sey ni Kai noong makatsikahan ko siya ng mismong birthday niya.

Ang restaurant ng mag-ina ay ang Kaisaint at dapat ay magbubukas na sila ng second branch, pero nagka-Luzon-wide enhanced quarantine nga, kaya hindi na nila binuksan muna ‘yon.

Pero sa tsikahan namin kahapon ni Kai, ikinuwentong magbubukas sila ngayong weekend, pero for delivery lang.

Samantala, good friends sina Kai at Jericho at mabuting ama raw sa kanilang anak ang aktor.

Friend din ni Kai ang misis ni Jericho na si Kim Jones.

Actually, kumakain pa nga ang mag-asawa sa Kaisaint.

Sabi noon ni Santino sa akin, mabait si Kim sa kanya at nagpupunta siya sa bahay ng kanyang tatay.

Naipagluto na rin daw niya si Jericho. Nice!

Annabelle nag-a-update ng mga biktima ng COVID sa US

Kahapon ay tinawagan ako ni Annabelle Rama.

Ang statistic ng mga may COVID-19 sa Amerika ang topic sa akin ni Bisaya. Gusto yata niya akong umuwi na ng Philippines.

Sabi ko naman kay Bisaya, hindi ako lumalabas ng bahay, kaya hopefully, safe naman ako dito.

Nakakatuwa si Bisaya dahil para talaga siyang nanay na pinagsasabihan ako!

Concert ni Myrtle, atras na rin

Kahapon ay tumawag sa akin ang celebrity-lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio.

Nangumusta siya kung ok daw ako.

Bago lumala ang COVID-19 at magkaroon ng lockdown sa Philippines (bago ako umalis pa-Los Angeles, California), nakasama ko pa si Atty. Topacio.

That time, may meeting sila ni Mrytle Sarrosa sa kanyang office para sa concert ng dalaga sa Teatrino Greenhills sa May 8.

Feeling ko, hindi na muna matutuloy ang concert na ‘yon.

Si Atty. Topacio rin ang producer ng pelikula ni Myrtle na 26 Hours: Escape From Mamasapano.

Dapat ay ngayong April din ang simula ng shooting ng nasabing pelikula.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with