Martin gustong gawing pasko ang paligid!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

Ang galing nang ginagawa ng Italy at France na pagdating ng hapon, binubuksan nila ang mga bintana nila at pumapalakpak at kumakanta para sa mga Frontliner  nila Salve.

Nice way of saying ‘thank you’ sa mga tumutulong at nagsa-sakripisyo para sa mga tinatamaan ng covid 19.

Kaya nga nagandahan ako sa suggestion ni Martin Nievera na during this time of crisis, ilabas natin mga parol at Christmas lights, buksan natin pag gabi para ipakita na there is light at the end of the tunnel.

Iyon happiness at brightness na nadarama natin pag Pasko, ngayon natin i-share.

Ilabas natin mga parol at Christmas lights, sindihan natin ng sabay-sabay pag gabi, show them na hindi tayo patatalo sa dilim, sa darkness na gustong ibigay sa atin ng covid 19.

Alarming na ang mga nagaganap kaya iparamdam natin ang saya at pag-asa para ma-lift ang ating spirits.

Good idea Martin Nievera, tunay ngang isa kang singer na may puso, nakita mo kung ano ang puwedeng magbigay liwanag sa dilim. Bravo.

COVID may kakaibang trauma

Pag ang mga tinatamaan ng covid-19 ay kilala natin ‘di ba parang tayo na rin iyon tinamaan.

Pag meron din binanggit na pangalan na positive at medyo kilala mo, parang ang feeling mo ang lapit na sa iyo ng danger. Parang nakita mo na kahit malusog at walang sakit ngayon, bukas positive na.

Ganun ang trauma na binibigay ng pandemic na ito. Kung sakali at tatagal pa, ang dasal ko lang sana huwag lang magkaroon ng shortage sa pagkain, sana marami pa rin mabibiling gamot, sana kahit paano, may mga puwede ka pa rin masakyan. Huwag sanang magkaroon ng unrest, huwag sana mainip ang tao.

Anuman bagay ay may katapusan, matatapos din ito. Kaya natin labanan.

We will prevail. We must prevail. Knockout coronavirus. Wala siyang utak, ang tao meron g puso meron pang utak, kaya mas powerful tayo kesa virus. Claim it. Believe it.

Alam natin beatable siya, puwedeng gumaling.

MARTIN NIEVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with