Sandy hindi pa nagpapa-COVID test! Iza, nakikipaglaban sa pneumonia
(Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hanggang sa sinusulat namin ito ay hindi pa rin lumalabas ang result ng covid-19 test ni Iza Calzado.

May pneumonia ang actress at naka-confine siya sa isang hospital sa kasalukuyan.

Disinfected na raw ang condo unit na tinitirhan nila ng British husband matapos nga siyang isugod sa hospital dahil sa mga symptom ng coronavirus.

Last Wednesday night nang i-upload ni Iza sa kanyang social media account na naghihintay siya ng result ng coronavirus test niya.

“Hello, everyone. It’s been a while but I thought I’d update you all. I’m currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and i’ve been waiting for the results for several days now.

“It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones.

“I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times. And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles.

“I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together.?,” ang buong post ng magaling na Kapamilya actress kanyang IG account.

Get well soon Iza.

Speaking of covid-test, hindi pa pala nagpapa-covid test si Sandy Andolong contrary sa mga naglabasang nag-negative ito.

Nagugulat nga raw si Sandy na kumalat na nag-negative siya samantalang si Boyet (Christopher de Leon) pa lang naman ang na-test for coronavirus na nag-stay ng ilang araw sa hospital bago umuwi ng bahay para doon na lang ituloy ang quarantine.

Under home quarantine daw si Ms. Sandy sa kasalukuyuan.

Anyway, kahapon ay 707 na ang total number of covid-19 cases sa bansa – 71 ang nadagdag na new cases.

Marian and Dingdong, may naka-schedule habang naka-quarantine

Kanya-kanyang paandar ngayon ang mga Pilipino kung paano magpapalipas ng oras sa kani-kanilang bahay matapos magdeklara ng enhanced community quarantine ang pamahalaan bilang laban sa COVID-19. Sa unang no-contact online fundraising event ng GMA-7 na pinangunahan ng All-Out Sundays stars noong nakaraang Linggo, ibinahagi nina Dingdong Dantes at Pr Marian Rivera sa mga netizen kung paano ang kanilang bonding time kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Ayon kay Dingdong, hinahati nila ang araw sa tatlo – sa umaga ay oras ng pag-aaral, sa hapon ay oras ng paglalaro, at sa gabi ang bonding time nilang apat. Dagdag naman ni Marian, mainam din daw na gawan ng worksheets ang mga bata para kahit nasa bahay ay natututo sila. “Ang masaya kasi ay nagkaroon kami ng oras para maka-bonding ‘yung mga anak namin,” saad naman ni Dong.

Samantala, mapapanood si Marian sa pagbibidahan niyang GMA series na First Yaya kasama si Gabby Concepcion habang si Dingdong naman ay napapanood sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun kasama si Ultimate Star Jennylyn Mercado. Pansamantang pinalitan ng Encantadia Season 2 ang DOTSPH na mapapanood tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with