Legends family walang tigil ang dasal
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 24, 2020 - 12:00am

It’s nice to see Bro. Bo (Christopher de Leon) na kasama na ang barkada nilang Legends Family, na kumanta ng theme song nilang “Through The Years” sa isang IGTV post ni Tirso Cruz III sa kanyang Instagram wall na ginawa nila bago pa man na-hospital si Bro. Bo.

Post ni @tirso cruziii Quarantine hits! Through the years with the Legends family. The Legends family sending you love and encouragement from our homes.  Grateful that we continue to witness God’s love and faithfulness in each other’s lives through the years (decades) of friendship.  Praising Him for everyone’s good health and for His abundant grace this season! Stay home and stay safe everyone!”

Ang nag-join ay ang mag-asawang Tirso at Lynn with Bodie and Djanin, Bro. Bo and wife Sandy Andolong, Director Laurice Guillen and daughters Ana and Ina Feleo, director Edgar Mortiz and family, Fanny Serrano, Ma­ritess Gutierrez, director Ricky Davao, Lorna Tolentino, Amy Austria and husband Duke Ventura, director Gina Alajar and Isabel Rivas.

Matapos ma-confine si Bro. Bo dahil sa Covid-19, ipinaabot na niya sa kanyang Oasis of Love family na – “No cough, no fever, no stomach problem and no more sipon.  The Lord GOD be glorified!”

Katrina nakaka-bonding na ang anak

Natutuwa si Katrina Halili na kahit nakabakasyon sila sa pagti-taping Prima Donnas marami pa rin siyang natatanggap na text na nagtatanong kung kailan pa raw ba sila makababalik, naiinip na raw silang malaman kung ano ang mangyayari ngayong nalaman na niya as Lilian, na si Kendra (Aiko Melendez) ang tunay na mastermind simula pa noong masunog ang mansion ng mga Claveria hanggang sa huling eksenang ipinalabas na may kumidnap sa kanya at tanong ng mga netizens makaliligtas daw ba siya sa pagkidnap sa kanya?

Proud mother naman si Katrina sa kanyang nag-iisang anak na si Katie at todo-bonding sila ng anak ngayong wala siyang work.

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with