Private companies buhos ang tulong, mga senador at congressman walang ganap!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 23, 2020 - 12:00am

Maraming salamat sa private companies na nagpapadala ng tulong para sa frontliners, ang medical team na walang sawa at walang takot na nagsisilbi sa mga may COVID-19 at sa mga taong hindi makapaghanap-buhay dahil sa month-long enhanced community quarantine.

Isa ang Coca-Cola Philippines, Inc. na ang P150-M advertising budget nila ay ibinigay na para sa iba pang nangangailangan, at araw-araw ay namimigay din sila ng food packs at drinks sa tulong ng Caritas Manila at ng Rise Against Hunger.

Ang McDonalds Philippines ay naglaan din ng P500-M fund para sa kanilang employees at frontliners, kasama rin ang pay package para sa mga empleyado nilang nagtatrabaho sa stores nilang exempted sa quarantine. 

Ang tanong naman, sana raw ang mga senador at congressmen na malalaki ang tinatanggap na sweldo buwan-buwan, ay ilaan naman nila ito para sa mga nasasakupan nila at huwag iasa sa national government ang pag-aalaga sa kanila.

Talo pa sila ng mga artistang tumutulong para sa mga affected ng COVID-19, without fanfare.

Derek inilantad ang kayakap ‘pag wala si Andrea!

Sino ang kayakap ni Derek Ramsay, kapag wala ang girlfriend na si Andrea Torres? Natatawang pag-amin ni Derek, ang isang mahabang unan niya na galing pa ng Japan ang niyayakap at hinihigaan niya. Athlete’s pole daw ang tawag sa unan na nakakatulong sa kanya para mag-align ng kanyang spine at para ma-strengthen ang kanyang core. “Ito ang aking kabit, ang aking baby, kapag wala si Andrea, lalo ngayon na lagi lamang akong nasa bahay.”

After the enhanced community quarantine, hopefully raw ay makapag-start na sila ng taping ng bago nilang action serye ni Andrea sa GMA Network, ang Sanggang Dikit.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with