^

Pang Movies

Lovi may paalala para hindi maging reklamador habang nasa bahay

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lovi may paalala para hindi maging reklamador habang nasa bahay

Nagbahagi ng tips sa kanyang Instagram followers si Kapuso star Lovi Poe kung paano gagawing makabuluhan ang pagpalipas ng oras sa kani-kanilang tahanan sa panahon ngayong ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Lovi, panahon na raw ito upang linisin ang makalat na gallery ng ating mga cellphone, magbasa ng libro na matagal nang isinasantabi, gumawa ng smoothies at mga masustansiyang inumin, linisin anga ating mga damitan, at makipaglaro sa ating mga alagang pets na siguradong pampatagal anxiety din. Sa huli, pinaalalahanan din ni Lovi ang lahat na mag-ingat sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit.

Hindi rin nakalimutan ng magandang aktres na pasalamatan at ipagdasal ang mga frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa pandemic na ito, “We’re lucky we get to stay at the comfort of our homes while they’re making a huge act of love for everyone with their selflessness and service.”

Dagdag pa niya sa isang post : “A reminder to myself and everyone to stop beachin about staying home. AKA... (will spell it out) don’t complain you’re bored at home. “

Samantala, mapapanood si Lovi sa upcoming romance-comedy ng GMA Public Affairs na Owe My Love kung saan katambal niya si Benjamin Alves kasama rin ang kwela at star-studded cast na kinabibilangan nina Aiai Delas Alas, Leo Martinez, Winwyn Marquez, Nova Villa and Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco at marami pang iba.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with