Bela naipamigay na ang natanggap na 3 milyon!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 22, 2020 - 12:00am

Ang Caritas Manila, isa sa pinaka-malaking charitable agency ng simbahang Katolika ay nagsabing nakatanggap sila ng mga pagkaing de lata at bigas nanagkakahalaga ng isang milyong piso mula sa aktres na si Bela Padilla. Si Bela ay nagsimula ng isang online fund raising campaign para matulungan ang frontliners at ang mga mahihirap nating kababayan.

Bukod sa Caritas, sinabi ring nagbigay ng tulong si Bela sa iba pang charitable agencies.

Sa loob ng wala pang isang linggo, sinasabing si Bela ay nakalikom nang mahigit na tatlong milyong piso mula sa concerned citizens na nagtiwalang ibigay ang kanilang tulong sa aktres.

May mga nagsasabi kasing mas nakuha ni Bela ang tiwala ng ibang donors, dahil nakahanda nga siyang sabihin kung kanino niya ibinibigay ang tulong, hindi tulad ng iba na matapos kang magbigay ay hindi mo na malaman kung kanino nga ba iyon napupunta.

Isa pa, nakakarating ang tulong nang walang bawas.

Ang mga artista na personal na humihingi ng tulong at nagpapaabot noon sa mga nangangailangan, “mas ok pa”, sabi nga ng marami.

Halimbawa na nga si Angel Locsin, na hindi nanghihingi ng kahit na ano kung hindi sarili niyang pera ang kanyang ginagamit sa kanyang relief projects.

Hindi rin humihingi ng donasyon ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), ang samahan ng mga enmtertainment editors ng mga lehitimong diyaryo na nagluluto ng pagkain at inihahatid pa sa mga frontliner bilang bahagi ng kanilang humanitarian projects.

Kung ganyan ang mga tao, magkaroon man ng delay ang suporta ng gobyerno, makaka-survive ang mga Pilipino sa problemang ito.

Aktres ‘napaboran’ ng COVID

Natutuwa ang isang female star sa ngayon, hindi na niya problema ang laging paglalayas ng kanyang actor-boyfriend na “nagsa-sideline.”

Natatahimik iyon ngayon sa bahay dahil sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Kaya kung ang ibang mga tao ay buryong na buryong na sa loob ng bahay dahil sa lockdown, ikinatutuwa naman ang female star ang pagkakaroon ng COVID-19.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with