Marvin nakakaranas ng sintomas ng COVID-19! Boyet nanghihingi ng dasal sa protection ni Sandy
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 20, 2020 - 12:00am

Nag-tweet si Marvin Agustin na nakakaranas siya ng flu-like symptoms na tulad ng nararanasan ng may COVID-19.  Hindi raw siya sigurado kung may COVID-19 na siya pagkatapos niyang magkaroon ng high fever, four days ago na ang temperature niya ay umabot ng 39.2 at iyong last day, 36.4.

“Hindi naman ako na-exposed kahit kanino ng mga taong under investigation for Covid-10,” dagdag pa ni Marvin. “Wala na rin akong physical contact sa Mom ko since last Friday, after niyang mag-undergone ng chemo coz of cancer. Hindi rin naman ako iti-test dahil wala akong symptoms at hindi na raw ako priority to get tested dahil limited pa rin and testing kits.”

Kaya nasa bahay daw lamang si Marvin at pakiusap niya sa mga tao: “Manatili sa bahay, at sundin ang “Stay Home” policy. Magpasalamat kayo na may mga bahay kayo to stay in during the community quarantine samantalang maraming taong nakakaranas ng threat ng Covid-19 dahil wala silang mga bahay o kailangan nilang lumabas dahil kailangan sila ng taong maysakit.”

Kasalukuyang napapanood si Marvin sa ibinalik na top-rating primetime telebabad na Kambal Karibal with Carmina Villarroel and Alfred Vargas gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

Samantala, nagpasalamat naman si Bro. Christopher de Leon sa kanyang Oasis of Love Family habang naka-confine pa sa hospital: “Thank you for your healing prayers.  We are ok, our good Lord GOD is at the helm. Also pray for the protection of Sis. Sandy from this virus, please.”

Tom at Carla hindi mami-miss ng fans dahil sa throwback serye

Nalungkot ang fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana nang matapos na ang special participation ng actor sa top-rating primetime telebabad na Love Of My Life nang mamatay na ang character niya. Kaya natuwa na sila nang ibalita na na GMA-7 na ibabalik ang first team-up nina Carla at Tom na My Husband’s Lover at kasama pa nila rito si Dennis Trillo. Pinag-usapan ang seryeng ito dahil sa theme na first time ginawa on television.

At sa pansamantalang iiwanang timeslot din ng Love Of My Life sa Friday, March 20, ipapalit ang My Husband’s Lover simula sa Monday, March 23, after ng Kambal Karibal.

MARVIN AGUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with