Maine namudmod ng corona kit
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 19, 2020 - 12:00am

Ang sweet naman ni Maine Mendoza, sa pagpapadala niya ng tinawag niyang ‘Corona kit made with love.’ May time kasi ngayon si Maine na gumawa ng personalized ‘corona kit’ dahil staycation lamang siya sa bahay dahil wala nang work, since replay na rin lahat ang ipinalalabas na episodes ng Eat Bulaga simula pa noong Monday, March 16.

Unang pinadalhan ni Maine ang mga sister niyang sina Nikki at Coleen.

What’s inside: Facial cleansing wipes, feminine wipes, disinfecting wipes, body wipes, toilet seat cover, cetaphil face wash, alcohol, soap (hygienix), facial tissue, off lotion, emergency band aid.

 Isa rin sa nag-post ng thank you for Maine si Christine Babao na mas malaki ang pouch dahil may dry shampoo pa raw kasama ito.

Meanwhile, wala pang abiso kung tuloy ang launch ni Maine ng first single niya sa Universal Records PH, ang Parang Kailan Lang, na top hit na sa iTunes at Spotify, but definite nang siya ang  .

Pancho abala muna sa paglilinis ng bahay

May time naman ngayon si Pancho Magno na lalong maalagaan ang kanyang preggy wife, si Kapuso actress Max Collins.

Ilang buwan na lamang kasi ang hihintayin nila para sa kanilang first baby. 

Hindi pa nila inaalam kung boy or girl ang magiging baby nila, gusto raw nilang masorpresa pa, basta ngayon inihahanda na nila ang baby’s room na pwede sa boy or girl.

Since stop muna ang taping ni Pancho ng Descendants of the Sun at ang coming light family drama na First Yaya with Gabby Concepcion at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, si Pancho ang naglilinis ng kanilang bagong bahay at sa laundry, binabantayan siya ni Max. 

Basta light lamang trabaho, kayang-kaya pa rin daw namang gawin ni Max. Ayaw daw naman niyang maging idle dahil naroon ang husband niya.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with