Concert nina Moira at Ice sa US kinansela, kailangang mag-quarantine

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 19, 2020 - 12:00am

Kahit pala nasa Los Angeles, California na sina Moira dela Torre at Ice Seguerra ay hindi na pala itinuloy last Saturday ‘yung Braver Tour show nila sa Wilshire Ebell Theater doon.

May kinalaman din sa problema sa COVID-19 kaya kinansela ito.

Bale sa September 26 ang bagong schedule nila at same venue pa rin.

Ang alam ko, nakabalik na kahapon ni Philippines ang mga kasama sa concert tour na ‘yon.

May isang nakapagkuwento sa akin na ‘yung kasamang road manager ni Moira ay magse-self quarantine raw. Si Moira ay ganoon din daw ang plano which is tama lang naman!

Good!

Mga anak ni Ruffa naka-uniform kahit naka-distance learning

Akala ko ay nagbibiro lang si Ruffa Gutierrez nang sabihin niya na kaya siya maagang gumising kahapon ay dahil may klase ang mga anak na sina Lorin at Venice.

Suspended kasi ang school dahil sa Luzon-wide enhanced community quarantine. “Distance learning through video calls” ang paliwanag ni Ruffa nang sabihin ko na wala ngang school.

Kailangan din daw naka-uniform ng kanyang mga anak.

At least, kahit nasa bahay lang ang mga ito ay nakakapag-aral pa rin pala. “I’ll sleep again now that I know they’re awake!” sabi pa niya.

Jeric sa bahay lang nag-birthday

Birthday ng basktbolistang si Jeric Teng.

Stay home lang sila ng kapatid na si Jeron Teng at ang buong pamilya nila. Walang ganap sa birthday kahapon ni Jeric.

Binati ko si Jeric at nag-reply naman siya para magpasalamat at ipinaalala pa na, “Hindi safe, Tito Jun!” Siyempre, stay safe rin sa lahat ang paalala namin dito sa PangMasa!

 ‘Yun na!

MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with