Panawagan ng pag-iwas sa COVID parang walang epekto
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

Tumutulong na ang mga artista sa panawagan sa mga kababayan natin tungkol sa mga paraan ng pag-iwas para hindi mahawa sa COVID-19. Si Jennylyn Mercado ay nag-post sa kanyang Instagram wall gamit ang character niya as Dr. Maxine dela Cruz sa Descendants of the Sun. Isa ngang paraan ay paghuhugas lagi ng kamay. Makuha ka sa tingin! Wash your hands and practice social distancing!” – Dra. Maxine.Si Alden Richards naman sa kanyang Twitter account: Please stay at home.”

Iyon ang hirap sa iba nating kababayan, akala nila bakasyon at gimik ang community quarantine, kaya naman maraming pinauwi matapos masita sa check point at malamang gigimik lamang sila.

Lumang serye proxy muna sa mga pinahinto ang taping

Kagabi, Wednesday evening na lamang, March 18, napanood ang fresh episode ng local adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, na ipakikita ang iconic scene na earthquake sa kampo at medical cube ng mga sundalo headed by Capt Lucas (Dingdong Dantes) at medical team headed by Dr. Maxine (Jennylyn Mercado). 

Ipapalit sa DOTS PH ang prequel ng Encantadia na nagtampok kina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro. 

Isa pang top-rating afternoon prime drama series noon, ang Ika-6 Na Utos na nagtampok kina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon ang ipapalit simula ngayong March 18, sa Magkaagaw nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Jeric Gonzales at Klea Pineda, after ng Eat Bulaga. At simula naman bukas, March 19, tuluy-tuloy na mapapanood ang Ika-6 Na Utos dahil sila pa rin ang papalit sa Prima Donnas nina Aiko Melendez, Katrina Halili, Wendell Ramos at ang mga Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo, with Chanda Romero and Elijah Alejo na ngayong hapon na lamang mapapanood ang bagong episode nito.

Sa primetime telebabad, simula rin ngayong March 18, papalitan na ng Kambal Karibal nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang Anak ni Waray Vs Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Ang maswerte ay ang mga tagasubaybay ng Bilangin ang Bituin sa Langit na nagtatampok kay Superstar Nora Aunor, with Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Candy Pangilinan, Yasser Marta and Kyline Alcantara. Tuluy-tuloy ang airing nila at 4:00 pm daily hanggang April. 

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with