_pang-masa
^
Heart at Chiz, LDR muna

Heart at Chiz, LDR muna

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

Hiwalay muna ngayon ang mag-asawang Heart Evangelista at Sorsogon Governor Chiz Escudero dahil sa CoVid-19.

Ito ang laman ng Instagram post ni Heart dahil nasa Sorsogon daw ang kanyang mister ngayon na hindi naman kataka-taka dahil nga CoVid-19 pandemic sa bansa.

Nag-post si Heart ng larawan niya na naka-oversized hoodie na bigay daw ng kanyang mister at sinabing LDR (long distance relationship) sila ngayon.

 “Because my husband knows that I’ve been anxious lately, he bought me this oversized hoodie which I use as my security blanket.

“This was my look for today while I work on this long distance relationship as he is busy in Sorsogon. By staying home, we do our part in helping keep others safe. Let’s continue to pray for our country and for the world,” ang caption ni Heart.

Tanong ng isang netizen, “how about the kids? Are they with you?” at sinagot naman ito ni Heart ng “yes.”

Ang kambal na anak ni Gov. Chiz sa unang asawa ang tinutukoy ng netizen.

Pero mas marami ang nagtanong kung saan daw nabili ni Gov. Chiz ang hoodie dahil bibili rin sila.

Hahaha! Lahat talaga ng isuot or gawin ni Heart ay ginagaya ng netizens, proof na talagang napakalaking inspirasyon niya sa maraming tao.

Dingdong pinakita ang pagiging responsible

Matapos ang “enhanced community quarantine” na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi, nanawagan si Dingdong Dantes na pairalin ang pagkakaisa, kooperasyon at pakikipagtulungan para labanan ang coronavirus (CoVid-19).

Ayon sa social media post ni Dingdong, ito raw ang pagkakataon na dapat nating ipakita ang pagiging responsible citizen natin.

“We are now in a battle that challenges systems, institutions and the very core of our humanity. At ang labang ito ay nangangailangan ng ating kooperasyon at pagtutulungan.

Now, more than ever, we are challenged to be responsible citizens to the best of our abilities.

“Nagsisimula ito sa pagpapalakas ng ating kalusugan at disiplina sa ating sarili, dahil dito nakasalalay ang kalakasan ng ating mga pamilya at ng ating komunidad,” pahayag ni Dingdong sa kanyang post.

Nanawagan din ang aktor na ipagdasal natin ang mga frontliners na aniya ay modern heroes natin.

“Nananawagan din ito ng mas matibay na pananalig at pagdarasal para sa ating lahat lalong lalo na sa ating #FrontlinersPH - sa modern heroes ng labang ito katulad ng ating medical professionals, emergency responders, mga pulis at sundalo, mga empleyado ng service industry, at media.

“We are in a battle that demands for the government and the private sector’s proactive and strengthened response.

“We are in a battle that requires us, citizens, to integrate health emergency preparedness in our way of life.

“We are in a battle that reminds us to go back to basics - from our personal needs, relationships with our families and friends, respect for the environment, care for the most vulnerable, and to our values, beliefs and faith.

“And with prayers, strong leadership and concerted action, we can overcome this,” post pa ni Dong.

CHIZ ESCUDERO HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with