Mga lumang serye sa GMA isasalang uli
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 17, 2020 - 12:00am

As per sa mga tanong ng netizens tungkol sa bagong programming ng GMA Network, nag-release na sila ng schedules ng kanilang tele­seryes, sa Afternoon Prime at sa Primetime Telebabad.

Kahapon, Monday, March 16, at hanggang ngayong Tuesday, March 17, regular pa ring mapapanood sa hapon ang Eat Bulaga, Magkaagaw, Bilangin Ang Mga Bituin sa Langit at Wowowin. 

Sa gabi naman, 24 Oras, Descendants of the Sun, Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, Love Of My Life, at The Last Empress.

Simula sa Wednesday, March 18, may changes na ang schedule. Wala nang Magkaagaw nina Sunshine Dizon, She­ryl Cruz, Klea Pineda at Jeric Gonzales, papalitan muna ito ng Ika-6 Na Utos nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, Ryza Zenon at Angelica dela Cruz sa hapon. At sa primetime, wala na ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Dina Bonnevie at Snooky Serna. papalitan muna ito ng Kambal Karibal nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Alfred Vargas at Carmina Villaroel.

Mapapanood pa ang Descendants of the Sun sa Wednesday evening, pero papalitan ito ng Encantadia 2 na request din ng netizens na muling mapanood, hanggang sa muli na silang makapag-taping ng mga bagong episodes. 

From time to time, magbibigay ang GMA Network ng updates sa shows nila.

Aicelle, Mel at Pops may napili na!

May nakuha nang first grand finalist ang musical competition for kids ng GMA, ang Centerstage. Sa third Sunday, March 15, na paghamon kay Rain Barquin ng kanyang mga nakalaban, siya ang napili ng mga studio guest ­voters at ng judges na sina Aicelle Santos, Mel Villena at Pops Fernandez para tanghaling first grand finalist. Kaya ang host na si Alden Richards ay pinailawan na ang three circles, signifying na may nanalo na. 

This Sunday, March 22, magsisimula sila muling maghanap ng pwedeng makalaban ni Rain sa grand finals na magaganap sa last Sunday ng May, 2020.

Mel loyal sa Kapuso

Muling nag-renew ng contract ang GMA News pillar at multi-awarded broadcast journalist na si Ms. Mel Tiangco, para ituloy ang kanyang commitment sa Serbisyong Totoo ng GMA Network.

Loyal Kapuso na si Mel simula pa noong 1996, na isa siya sa top anchors ng GMA’s flagship newscast na 24 Oras, host ng award-winning drama anthology na Magpakailanman up to the  present. At siya ang naging founder and ambassador of the GMA Kapuso Foundation, the network’s socio-civic arm.

“Walang sawa ang aking pagpapasalamat sa GMA dahil sa mahigit na dalawang dekada naming pagsasama ay walang sawa rin ang mabuting pakikitungo nila sa akin. And I always thank the Lord na patuloy akong binibigyan ng lakas upang makapagsilbi at makapagbahagi ng aking kakayahan sa mga Kapuso. I hope and pray na magtuluy-tuloy pa ang pagtitiwala at pagmamahal nila sa akin sa mas marami pang mga taon,” wika ni Mel.

Tumanggap na ng maraming service awards si Mel, isa rito, siya ang first broadcast journalist na tumanggap ng Rotary Peace Award in 2019, the highest award na ibinigay ng Rotary International District 3830.

GMA NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with