Restaurant ni Alden, isang buwan ding sarado
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 16, 2020 - 12:00am

Nakiisa si Pambansang Bae Alden Richards sa community quarantine ngayon sa Metro Manila na nagsimula na kahapon, March 15, hanggang sa April 14, 2020. Nag-post si Alden Richards sa Facebook account ng Concha’s Garden Cafe na one month muna nilang isasara ang lahat ng branches nila ng restaurant, sa Tagaytay, Silang in Cavite, sa Scout Madrinan, Quezon City at sa Tagaytay Highlands.

“To our valued customers: Your safety is our concern.

We are implementing preventive measures to ensure that our story remains free from the COVID-19 virus.  Your cooperation will ensure it’s continuous success.  Together we can. See you soon!”

Nag-tweet din si Alden sa kanyang Twitter account ng: “Be safe everyone, let us all pray for guidance and clarity of mind and for this chapter to be over soon.  Please do follow necessary precautions, better safe than sorry. Ingat kayo. #Covid­_19PH”

Pero ang kanyang McDonald’s Biñan City in Laguna na mina-manage ng sister niyang si Riza Faulkerson ay mananatiling bukas at in-assure ng McDonald’s PH President and CEO na si Kenneth Yang ang pagsunod nila sa mga alituntunin ng kalinisan ng chain of stores nila, mula sa kapaligiran at sa mga kaligtasan ng kanilang mga empleyado at customers. 

Ang hindi lamang nila itutuloy ay ang kanilang McDonald’s Kiddie Crew Workshops na ginagawa nila taun-taon kapag summer vacation ng mga elementary pupils.

GMA may pamalit sa mga show na hindi muna maipapalabas

Simula nang mag-announce ang GMA Network, dahil sa community quarantine ng Metro Manila na pansamantala nilang ihihinto ang pagpu-produce ng entertainment programs, marami ang nagtatanong kung ano raw ang ipapalit sa mga afternoon prime at primetime telebabads.

Ayon sa statement nila tungkol dito, ipalalabas pa rin kung may nai-taped na silang episodes ng Magkaagaw, Prima Donnas, Bilangin Ang Mga Bituin sa Langit, Descendants of the Sun, Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday at Love Of My Life.

Kung wala na silang nakabangkong episodes, magkakaroon ng bagong programming line-up ang Kapuso Network para sa kanilang televiewers hanggang sa puwede na uling bumalik ng taping ang bawat show after ng April 14.

Pero tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng mga sariwang balita ng GMA Network mula sa GMA Network, GMA News TV, sa Super Radyo DZBB, Barangay LS 97.1 at sa iba pang Radio GMA stations sa buong bansa at sa GMA News Online at sa GMA News and Public Affairs social media accounts.

MMSFF hindi pa alam kung kailan itutuloy

Pinostpone nga ang first Metro Manila Summer Film Festival dahil sa kasalukuyang nangyayari, ang pandemic na COVID-19. Kaya, may mga nagtatanong kung kailan daw ito matutuloy. May nagsasabing bakit hindi na lang tularan nang ginawa noon na dalawang beses din ang Metro Manila Film Festival, ang una ay ginawa ng June at ang pangalawa, ginawa ng Kapaskuhan.

Pero hindi na summer ang June, dahil natatandaan namin noon, nakakaranas ng matinding malakas na ulan ang parade of stars ng June. Hintayin natin ang desisyon ng pamunuan ng MMFF.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with