_pang-masa
^
Ice at Liza sanib-puwersa sa pagtatanggol sa gobyerno, AiAi naniguro sa insurance

Ice at Liza sanib-puwersa sa pagtatanggol sa gobyerno, AiAi naniguro sa insurance

(Pang-masa) - March 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang mag-asawang Ice Seguerra at Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño ang very vocal sa pagtanggol sa ating gobyerno, lalo na kay Pres. Rodrigo Duterte na hindi pa rin tinatantanan ng mga puna at bashing na rin sa iba’t ibang social media accounts.

Magkakasunod ang mga post ni Chairman Liza sa kanyang Facebook account na pinapurihan ang mga sundalo, health workers, mga taga-gobyerno na ginagawa ang lahat na makakaya nilang gawin, ibinubuwis ang buhay para mabigyan tayo ng proteksyon sa lumalalang pagkalat ng COVID-19.

Kung anu-anong puna ang nababasa sa social media, kaya ang pakiusap na lang daw sana nila ay sa halip na pansinin ang mali at batikusin ang mga taga-gobyerno sa ginagawa nila, sana tumulong na lang daw kung paano harapin itong pinagdadaanan nating epidemya.

Nag-post din si Ice sa Facebook account ni Liza na pinatatamaan ang mga nagmamagaling sa social media.

Sabi ni Ice, “Alam niyo kung bakit magulo? Kasi ang ingay niyo lahat. Kasi lahat, gustong sila mauna sa balita. Tapos hindi pa fully naiintindihan yung sitwasyon, ang laki agad nang reaksiyon.

“Tinatakot ninyo isa’t isa. Imbis na tulungan natin ang isa’t isa na mas lalong intindihin ang sitwasyon, you’re using every pronouncement tapos lalagyan ninyo nang sarili ninyong spin para mag fit sa whatever narrative na gusto ninyong buuin. Galing! Big help guys!!!! Napakamature lang nang asal ninyo.”

Post naman ni Liza bilang pagtatanggol sa mga bumabatikos sa gob­yerno.

“Buong mundo ngayon, kinakaharap ang KRISIS na to. But at the end of the day, nasa tao pa rin kung seseryosohin ito or susundin. At ang bottom line para makatulong tayo ----mag-ingat, magkaron ng malasakit, at maging responsable by following the recommendations.

“As a government worker, I hurt for the people you easily bash just because of what you read on social media or dahil hindi akma sa expectation ninyo ang mga sinasabi nila. Believe it or not, all of us in government are working round the clock to coordinate with all the agencies to address this crisis. Those people you bash, hindi na natutulog para lang makahanap ng solusyon to manage this situation. The least that we can do as citizens is to cooperate and sana wag na makaadd sa stress na pinagdadaanan natin ngayon.

“Yes, madaling magsalita. Ang daling manlait. But we are all better than this.

“Sana wag na tayong mag-create ng unnecessary issues. Let’s be part of the solution. Lahat tayo, hindi natin gusto ang krisis na nangyayari ngayon. Kaya sana, magtulungan na lang tayo.”

AiAi sa insurance umaasa sa panahon ng pandemya

Isa sa napapraning na rin dito sa COVID-19 ay si AiAi delas Alas.

Nasa Instagram account niya ipinahayag ang takot niya na kung sakaling

mahawa siya nitong nakakatakot na virus, may makukuha raw kaya siya sa kanyang insurance?

Sabi niya sa kanyang Instagram account kahapon; “Nakakapraning  talaga yung #COVID19 na yan at naisip pano pala kung nagkaroon ako ng infection, makakakuha ba ako ng claim sa insurance ko?

“So minessage ko ang Financial Advisor ko na si @lesterreyes tungkol dito. Sabi niya, sa plan na nakuha ko sa insurance company, kapag nagkaroon ako ng critical illness (katulad ng end stage lung disease) dahil sa COVID-19, puwede ako maka-claim ng critical illness benefit na lump sum dun sa plano ko!

“Hay…sabi ko salamat naman! Buti pala kumuha na ako nito.”

Kaya hindi naman daw siya nagsisi na kumuha siya ng insurance, kahit gagastos ka muna sa una.

“Ang insurance talaga sa una gastos pero pag kinailangan mo na, mas malaki naman ang pakinabang sa yo.

“Thankful naman ako dahil napaliwanag niya mabuti kung ano lang yung kailangan ko, hindi lang pag nagkasakit ako pero siyempre pag mag-retire na ako o pag kinuha na ko ni Lord,” sabi pa niya sa kanyang IG account.

ICE SEGUERRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with