Holy Week presentation ng EB, kanselado!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 15, 2020 - 12:00am

Happy 34th anniversary to Pilipino Star Ngayon, more anniversaries to come!

Patuloy ang announcements ng postponement ng shows matapos magkaroon ng community quarantine ang Metro Manila. 

Suspended na rin muna ang tapings ng mga teleserye na usually ay out of Metro Manila dahil wala nang puwedeng lumabas o pumasok sa Metro Manila from March 15 to April 14, 2020.

For the first time in several years na may Holy Week presentation ang Eat Bulaga from Holy Monday to Holy Wednesday at Lent Special ang APT Entertainment every Holy Saturday, this year’s Holy Week, cancelled na rin ang taping nila na sisimulan sana next week. Madalas kasi, out of town or out of the country ang location ng taping nila.

Ang musical competition for kids na Centerstage, hosted by Alden Richards ay nakapag-taping na ng four episodes nito at maaaring ipalabas iyon starting tonight, March 15 and the next Sunday evening. 

Sa ngayon ay inaayos pa ang schedules ng ibang shows ng GMA Network na maaaring ipalabas during the community quarantine.

Stay safe everyone. Kung walang gagawin sa labas, sa bahay na lamang kayo at mag-bonding with your family.  God is with us.

Anne, Erwan at Baby Dahlia namasyal na

Ten days after isilang ni Anne Curtis ang baby girl nila ng husband na si Erwan Heussaff, si Baby Dahlia Amelie, nag-day-out ang family. Pero hindi pa rin nila ipinakita ang face ni Baby Dahlia. After the birth of the baby, posted lamang ni Anne ang small hand ni Baby Dahlia, sumunod na post ang feet nito na natakpan din ang face niya. At sa day-out nila, ipinakita lamang ni Anne ang baby stroller pero nakatalikod ito kaya hindi pa rin kita ang face ni Baby Dahlia Amelie.

Anyways, tiyak na hindi naman ipagkakait nina Anne at Erwan na ipakita siya sa mga fans, very soon!

Coney, Rhian at Carla tinututukan 

Pinagpupuyatan every night ng netizens ang pagsubaybay sa Primetime Telebabad drama series na Love of my Life. Tamang-tama raw kasi ito at napapanahon sa celebration ng Women’s Month.

Tatlong mga babaeng iba’t iba ang personality ang tampok sa serye na dinidirek ni Don Michael Perez. Lahat ay humahanga sa husay ng acting ng bawat isa. Lumitaw ito matapos pumanaw na ang lalaking minahal nila, si Stefano portrayed ni Tom Rodriguez in a special participation.

Tutok po lamang tayo gabi-gabi sa Love of my Life after ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

PILIPINO STAR NGAYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with