^
Rhian at Carla ayaw mapahiya kay Coney!

Rhian at Carla ayaw mapahiya kay Coney!

Vir Gonzales (Pang-masa) - March 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napakahirap ng papel ni Tom Rodriguez sa serye niyang Love Of My Life bilang isang asawang may sakit na pinag-aagawan ng ex-girlfriend, nanay at asawa.

Gumaganap bilang ex si Rhian Ramos kung saan may isang anak sa kanya si Tom, si Coney Reyes naman ang kanyang ina at ang reel and real girlfriend niyang si Carla Abellana naman ang asawa.

Mabibigat ang mga eksena ng tatlong magaga-ling na aktres, lalo na sina Carla at Rhian na may sabunutan pa at murahan.

Kapag naman daw si Coney na ang kaeksena ng dalawa, talagang ginagalingan nila dahil ayaw nilang mapahiya sa harap ng beteranang aktres.

Tsugi na si Tom sa nasabing serye.

Rita sinunod lang ang director kaya na-bash

Inulan ng bashers si Rita Avila dahil sa dialog niyang binitawan sa pelikulang Walang Kasarian Ang Digmaang Bayan directed by Jay Altajeros na may patungkol sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Nalaglag daw tuloy ang movie na entry sana sa Metro Manila Summer Film festival. Hindi puwedeng sisihin si Rita dahil sinunod lang niya ang nasa script at bilang artista karapatan niyang sundin ito.

Ate Guy hindi nagpadobol sa putikan

Lalong humanga si Isabel Rivas kay Superstar Nora Aunor nang hindi ito pumayag na magpa-double sa kanilang fighting scene. Ayaw daw ni Ate Guy na si Isabel lang ang mapuputikan at baka mamaya ay mahalata pa raw ng viewers na hindi siya ang nakikipag-away na yun.

Very professional talaga si Ate Guy.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to March born celebrants:

Bianca Umali, Gabby Eigenman, Maine Mendoza, Myra Yap, Jeric Vasquez, Bobby Benitez, Gino Padilla at Julie Ann Betita.

TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with