Jennylyn at Dennis isinara muna ang cat café
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 11, 2020 - 12:00am

Nag-post na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang Instagram wall na pansamantala muna nilang isasara ang kanilang coffee shop, ang Litterbucks.“As a precautionary measure due to the Covid-19 outbreak concern, we would like to inform everyone that Litterbucks will be temporarily closed starting today (March 8) until further notice. We are urgently starting our sanitation as we want to protect our cat-loving customers. Thank you. Stay safe. Focus on Hygiene.”

Dagdag pa ni Dennis, “see you next time, and we’re very sorry for the inconvenience we may have caused.”

Ang Litterbucks ay cafe para sa cat lovers, sa Maginhawa St., Quezon City, ay noon lamang February, 2020 binuksan ng mag-sweetheart at dinarayo iyon ng mga mahihilig mag-alaga ng mga pusa. 

Mahilig sa pusa si Jennylyn kaya marami siyang alaga sa bahay at ang iba ay nasa Litterbucks at kinatutuwaan ng customers.

Kaya ang concentration muna nina Jen at Dennis ay sa mga project nilang ginagawa ngayon sa GMA Network. Laging on location sina Jen sa taping ng kanilang Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun with Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jasmine Curtis Smith and a cast of big stars.  Gabi-gabi ay laging pasabog ang mga eksena kaya naman trending ito sa Twitter here and abroad.

Si Dennis naman, naghahanda na rin sa taping niya ng bagong teleserye na ang working title ay Legal Wives with Alice Dixon, Megan Young and Bianca Umali. Isa ito sa aabangan sa Primetime Telebabad ng GMA-7.

Marian nag-umpisa nang mag-yaya

Kahapon, March 10, nag-sign na ng management contract ang mga bagong artista ng GMA Artist Center. Mga child star na may projects nang ginagawa sa network, mga finalist ng Starstruck at The Clash, at ang iba ay nag-renew na ng contract. 

Kasama na rito ang young stars na sina Julius Miguel, Elijah Alejo, child stars Raphael Landicho and Euwenn Mikael, Starstruck’s Kim de Leon and Radson Flores, The Clash Jeremiah Tiangco and Thea Astley at nag-renew ng contract si Manolo Pedrosa.

Kahapon din, nag-first taping day na rin si Kapuso Primetime Queen Ma-rian Rivera sa pagbabalik-teleserye niya, ng First Yaya.

Sa post ng manager niyang si Rams David sa kanyang Instagram caption: “Laban lang mga Beshie!”

51st Box Office Awards hindi pa alam kung matutuloy

May mga nagtatanong kung tuloy daw ba ang presentation ng Airtime Marketing Inc. ni Ms. Tessie Celestino-Howard ng 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) sa Sunday, March 15.

As of presstime, wala pa raw naman silang natatanggap na cancelation ng awards night, may requirements lamang ang management ng Resorts World Manila na dapat nilang sundin. Ang winners, hosts at performers ay nag-confirm na ng kanilang pag-attend sa gabing iyon. Wait na lamang tayo kung magkakaroon pa ng changes.

DENNIS TRILLO JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with