Kris
May pagkalampa Kris kailangan na ng private nurse
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 9, 2020 - 12:00am

Kawawa naman si Kris Aquino, Salve. Talagang may pagkalampa siya kaya dapat laging may nakabantay sa kanya para lagi siyang ma-check. Katakot yung madulas ka sa banyo na mag-isa ka lang, buti at nasa kuwarto rin siguro si Bimby kaya nakasaklolo agad sa mother niya.

Si Kris pa naman bukod sa may pagkalampa, pa-baby ‘pag may sakit. Kailangan na talaga niya ng private nurse na laging nasa tabi niya at alam ang gagawin ‘pag may nangyari.

Ingat-ingat Kris, you need to be strong and healthy dahil bata pa mga anak mo, get a nurse real quick, and be careful. Get well soonest. 

PH economy apektado ng virus

Talagang nakakatakot na Salve at napasok na tayo ng coronavirus. Apektado na ang maraming bagay, like postponed na mga concert, parang ayaw ng lumabas ng tao, at maganda ang ginawa ni papa Toby Tiangco na wala munang pasok sa schools dahil nga dapat mag-ingat at heto, positive na ang bansa natin sa virus.

Akala ko pa naman maiiwasan ng Pilipinas ang nasabing epidemic dahil mukha naman nakapag-ingat ang lahat at iba ang genes ng mga Pilipino na talagang panlaban sa anumang virus pero napasok pa rin tayo.

Kainis talaga dahil hindi lang iyon takot ang nadama natin, affected din ang economy. Sana naman mawala agad ito, sana umiral pa rin lakas ng katawan ng Pinoy. Go go, patayin ang virus na iyan. 

Mga bagets na entrepreneurs, very aggressive

Hindi natuloy ang So Sure exposure last tuesday sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) kaya ngayong Tuesday na lang Salve. Gustung-gusto ko nang ipakita sa lahat iyon ipinagmamalaki kong kapal at haba ng pads ng So Sure na talagang very comfortable kaysa adult diaper. At alam mo ba tulad ni Aileen Go ng MegaSoft, iyon may-ari ng So Sure na si Mary Jane San Agustin tiyak na magiging bff din natin dahil ang bait at very friendly. Siguro talagang mga bagets na ang mga entrepreneurs ngayon like Rhea Tan ng Beautéderm, Cris Roque ng Kamiseta, Aileen Go ng MegaSoft, at ang mga successful din na sila Dra. Vicki Belo at Ruby Coyuito ng Flawless, lahat sila young and progressive, at very aggressive ang atake sa business.

Kaya sa Tuesday episode natin meron na tayong So Sure aside from Calcium Cee Salve last week, no, para puwede overtime hahaha.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with