Moira kinumpisal ang pinagdaanan sa mental health problem

Moira kinumpisal ang pinagdaanan sa mental health problem

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 8, 2020 - 12:00am

Nag-open up ang singer na si Moira dela Torre tungkol sa kanyang naranasan na mental health problem.

Ayon sa singer, kaya siya nag-focus sa kanyang music career ay para ma-divert ang attention niya at hindi niya maisip ang kanyang problema sa sarili.

Noon daw kasi, pakiramdam ni Moira ay pabigat siya sa kanyang pamilya. Pero nagpasalamat siya sa Diyos dahil nagawa niyang mabago ang lahat at ngayon ay isa siya sa sikat na OPM artists sa bansa.

“Ang tricky po kasi nung may mental health issue ka tapos hindi ka aware. At that time, I didn’t really know how to cope so I went to music.

“So there were so many times that I didn’t spend time with my family enough. Feeling ko burden ako. Feeling ko mistake ako.

“Pero sila po, wala po silang pagkukulang at all. Awa na lang po talaga ng Diyos na may narating yung buhay ko.

“Siguro po dahil ate ako, I have to have it altogether all the time,” sey ni Moira na sumikat dahil sa kanyang mga awiting na Malaya, Tagpuan, Sundo and Torete.

Taylor Swift nag-donate ng $1 million sa mga nasalanta ng tornado!

Hindi nag-dalawang isip ang singer na si Taylor Swift na mag-donate ng $1 million to the Middle Tennessee Emergency Response Fund.

Dalawang tornadoes ang sumalanta sa Tennessee State noong nakaraang March 3 at kumitil ito ng 24 katao at nalagay sa ospital ang higit na 150 people.

“Nashville is my home. And the fact that so many people have lost their homes and so much more in Middle Tennessee is devastating to me,” post ni Taylor sa Instagram.

Tinuring ni Taylor ang Tennessee na second home dahil sa naturang State siya nag-stay ng matagal nung kinontrata siya ng Big Machine Records para sumulat ng kanyang mga songs para sa debut album niya sa edad na 15. She is originally from Pennsylvania.

Numerous times nang sinuportahan ni Taylor ang ilang charitable organizations sa Tennessee simula nung sumikat siya. Nagtayo siya ng Taylor Swift Charitable Fund na tumulong sa Nashville flood in 2010 with a donation of $500,000.

Nag-donate rin si Taylor ng $4 million to fund educational efforts at the Country Music Hall of Fame & Museum in 2012, and donated $100,000 to the Nashville Symphony in 2013.

Last year, nag-donate ang singer ng $113,000 to the Tennessee Equality Project, in conjunction with her LGBTQ-positive single You Need to Calm Down.

MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with