_pang-masa
^

Pang Movies

Richard at Sarah nag-prenup shoot sa ilalim ng dagat!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Richard at Sarah nag-prenup shoot sa ilalim ng dagat!

Wow na wow ang prenuptial shoot ng ikakasal na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, huh!

Underwater ‘yon na ginawa sa El Nido, Palawan! Effort talaga ang shoot na ‘yun dahil kinagat pa sila ng maliliit na jelly fish.

Naloka siyempre ang ibang celebrities na nagsagawa ng prenup shoot bago ikasal. Mas classic nga naman ‘yun style nina Chard at Sarah, huh!

Ngayong March 14 ang kasal nina Richard at Sarah at sa mga nakatanggap ng invitation eh alam na kung saan ang venue.

Mahal nga raw per plate ang pagkaing ihahanda sa reception, huh!

Libu-libo at hindi isang libo lang kaya kailangang kumpirmado ang pagdalo or else, burado ka agad sa listahan ng invited!

Para ‘di masabihang bias Sen. Grace Poe nag-inhibit sa renewal of franchise ng Dos

Sinunod ni Senator Grace Poe ang panawagan na mag-inhibit sa hearing ng renewal of franchise ng ABS-CBN.

Ang rason sa panawagan kay  Sen. Poe ay conflict of interest. Una, nagtatrabaho sa Channel 2 series ang mother niyang si Susan Roces.

Pangalawa, ‘yung library ng movies ng father niyang si Fernando Poe, Jr. ay nasa Channel 2.

So para tapos na ang issue, nagpahayag na ang senadora na mag-i-inhibit kaugnay nito pag tinalakay sa Senado.

Samantala, aarangkada na next week ang pagdinig ng Kamara sa renewal ng franchise ng network.

‘Yun nga lang, balitang magaganap ito bago mag-adjourn ang session dahil sa Mahal na Araw.

 

RICHARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with