Rachelle Ann nag-umpisa na sa Les...
Rachelle Ann
Rachelle Ann nag-umpisa na sa Les...
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - March 6, 2020 - 12:00am

International musical theatre na talaga ang tahanan ngayon ng award-winning West End and Broadway singer-actress na si Rachelle Ann Go na kanyang sinimulan sa London, England sa musical re-run ng Miss Saigon in 2014. 

Sa pagbabalik ni Rachelle Ann sa West End stage ay muli niyang ginagampanan ang papel ni Eponine ng Les Miserables na nagsimula kahapon sa Sodheim Theatre (Queen’s Theatre) in London.

Sa London na ngayon na naka-base si Rachelle Ann at ang kanyang American husband na si Martin Spies who relocated from New York, USA.  Bumili na rin sila ng kanilang sariling bahay sa nasabing bansa kung saan nila sisimulan ang kanilang pamilya.

LA mag-iikot sa mga mall

Simula ngayong araw ng 4 p.m. at SM Fairview in Quezon City ay mapapanood ang singer-actor-performer at record-producer na si LA Santos sa kanyang mall tour ng iba’t ibang branches ng SM na susundan ng SM Bacoor on March 22. Naka-line-up na rin ang kanyang pagbisita at pagtatanghal sa SM South Mall, SM North EDSA, SM Lazaro at iba pang branches.

Ito’y bahagi ng promo ni LA ng kanyang bagong single na pinamagatang Sala sa Lamig na siya mismo ang nag-compose with co-writer Paula Alcasid.

Gusto rin ipaalam ni LA sa kanyang mga supporters na nagtatag na rin siya ng kanyang sariling record label, ang 7K Sounds na may sarili na ring recording artists aside from him.

Ang 20-year-old singer-composer and actor ay nag-aaral ngayon ng Music Production sa De la Salle College of Saint Benilde.

Jasmine nakipagkita sa anak ni Anne

Sa sobrang excitement ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith na makita ang kanyang bagong silang na pamangking babae na isinilang ng kanyang nakatatandang kapatid na si Anne Curtis nung nakaraang Martes, March 3, pansamantalang nagpaalam si Jasmine sa taping ng Descendants of the Sun para lamang lumipad patungong Melbourne, Australia.

Nangako naman si Jasmine na ilang araw lamang umano siya sa Ausralia at agad babalik ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang taping ng kanyang first full-length TV series bilang Kapuso, ang Descendants of the Sun na tinatampukan nila nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Rocco Nacino.

RACHELLE ANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with