_pang-masa
^
Mommy Dionisia nagpasilip ng mansyon sa GenSan!
Mommy Dionisia & Jinkee

Mommy Dionisia nagpasilip ng mansyon sa GenSan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 3, 2020 - 12:00am

Hindi nagpadaig si Mommy Dionisia Pacquiao sa celebrities na nagpapakita ng kanilang mga bahay via YouTube.

Sa pamamagitan ng vlog ni Jinkee Pacquiao, pinakita nito sa kanyang subscribers ang magarang bahay ni Mommy D sa General Santos City.

Pinagmalaki ni Mommy D ang kanyang collection ng mamahaling handbags, mga dekorasyon niya sa bahay at ilang mga treasured photos niya. Pati na ang mga damit at sapatos na gamit niya tuwing nagbo-ballroom dancing siya.

Pinakita rin ni Mommy D ang tickets ng mga naging laban ng kanyang anak na si Manny Pacquiao. Kinolekta raw niya iyon bilang pagsuporta niya sa kanyang anak.

Wala raw iniwan na mga gamit si Mommy D sa kanyang mga naging dalawang bahay at tinatago raw niya ang mga iyon dahil bahagi raw sila ng kanyang naging buhay ngayon. “Yung una sa maliit kong bahay, pangalawa sa mansion ko sa labangan nabenta na namin. ‘Eto na ang pangatlo, forever house,” sey pa ni Mommy D na magpapagawa ng isang maliit na chapel sa bagong bahay niya.

Gil umaming nagsinungaling sa gf!

Inamin na ng Kapuso hunk na si Gil Cuerva sa programang Mars Pa More na break na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Kim Cruz. Nakarelasyon ni Gil si Kim since 2014. After six years ay nagdesisyon daw silang maghiwalay.

Sa isang interview ni Gil, makikitang may lungkot sa kanyang mga mata kahit na pinipilit nitong ngumiti.

Nang tanungin si Gil kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, sinabi lang niya na walang kasalanan ang kanyang girlfriend sa nangyari sa kanila.“Wala, wala siyang kasalanan. She was good to me. Yeah, wala siyang kasalanan, promise,” diin ni Gil.

Parang lumalabas na si Gil ang nagkaroon ng pagkakamali sa kanyang girlfriend kaya nauwi sa hiwalayan ang lahat.

Ayon kay Gil, ang isa nga raw sa magiging dahilan ng paghihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan ay ang pagsisinu­ngaling. “Magsinungaling. True to life magsinungaling. At saka all forms. Whether small na lie or big lie, ‘yan din ‘yung naging cause,” sey pa niya.

Nagpaabot pa siya ng mensahe sa kanyang ex-girlfriend. “I’m sorry. And I believe in the saying ‘If you love someone you’re ­willing to let them go.’ So I will let you go, and I still care.”

Prince Harry may naka-schedule na last round ng royal duties!

Harry na lang daw at hindi Prince Harry. Ito ang pakiusap ng Duke of Essex sa mga makakaharap niya kapag officially nag-quit na siya sa kanyang pagiging senior royal on March 31.

Ngayon pa lang ay hindi na sinisipot ni Harry ang dalawang engagements na nakalista sa kanyang Court Circular.

Ayon sa official ng Buckingham Palace: “Every official engagement carried out by the Royal Family is usually listed in the Court Circular - a convention first set up by King George III.”

Pero sa kaso ni Harry, hindi nito dinaluhan ang tourism conference in Edinburgh at ang meeting nito with rock star Bon Jovi sa iconic Abbey Road Studios para mapanood ang recording ng Invictus Choir ng Unbroken.

Pero sa March 9 ay naka-schedule na dumalo sila Harry and wife Meghan Markle sa Commonwealth Service at Westminster Abbey sa request ni Queen Elizabeth II. Kabilang ito sa last round ng kanilang royal duties.

Hindi nga raw nila isasama ang kanilang anak na si Archie na nakatira na ngayon sa Vancouver, Canada.

Dahil daw sa outbreak ng COVID-19 kaya nagdesisyon silang huwag nang isama sa UK trip nila si Archie.

MOMMY DIONISIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with