Concert ni Gary postponed
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 1, 2020 - 12:00am

Nagpaabot ng mensahe si Gary Valenciano sa tulong ng kanyang publicist na si Chuck Gomez, tungkol sa pag-postponed ng concert ng una na Pure Energy 2020. Apektado rin kasi ito ng COVID-19.

Narito ang laman ng mensahe:

“Hello everyone. Due to the current situation regarding COVID-19, we have decided to postpone the concert Pure Energy 2020 to a later date this year. 

“Thank you to all who have expressed support for this concert.  Your immediate response was most encouraging. Our team received so many requests to purchase tickets and offers to sponsor the show, but the health and wellbeing of all our fans, our guests, our artists, musicians, dancers, and the production crew are my main priority. 

“It pains us to make this difficult decision, but new learnings about this new virus call for us to be vigilant and sensitive, careful and prayerful. 

“Once our new concert dates are set, I will make sure to get the word out to everyone. I look forward to seeing all of you when we all finally come together for PURE ENERGY...One More Time 2020.

“Meantime, to my fans abroad in Canada and USA, I will proceed with my concert tour dates in your cities as previously announced. God bless, protect, and keep us all.”

DOTS ph binago ang timeslot!

Tumanggap ng maraming requests mula sa netizens ang GMA Network kung puwedeng mas paagahin ang timeslot ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun. 

Simula noong February 10, 2020, napapanood ito sa second slot ng Primetime Telebabad. Nauuna sa kanila ang Anak ni Waray VS Anak ni Biday, pagkatapos ng 24 Oras. Kaya naman bilang pasasalamat ng network sa kanilang mga tagasubaybay ng programa ng GMA-7 mula umaga hanggang gabi, mababago na ang timeslot ng Primetime Telebabad simula bukas Lunes, March 2.

At mauuna na nga ang Descendants of the Sun PH sa pangunguna nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at Jasmine Curtis Smith.

Mapapanood na sila pagkatapos ng 24 Oras.

Susundan na sila ng romantic-comedy series na Anak ni Waray VS Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez with Snooky Serna, Dina Bonnevie at Migo Adecer at 8:35 PM.

Samantala, lalo namang pinag-uusapan ang tumitinding eksena ng drama series na Love of my Life. Mapapanood sila at 9:20 PM.

At simula rin ngayong Lunes ang finale week ng Korean drama na Angel’s Last Mission at 10:05 PM.

GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with