^

Pang Movies

Jasmine tuloy ang alis para sa panganganak ni Anne

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jasmine tuloy ang alis para sa panganganak ni Anne

Masayang nagkuwento si Jasmine Curtis Smith ng pagti-taping niya ng local adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun na kahit may mga eksenang medyo mahirap gawin at kung saan-saan sila naglu-location. Tulad ngayon na kunwari ay nasa isang kampo sila na infested ng mga rebelde, saan ang gubat na ginagamit nila?

“Iba-iba pong lugar, sa Batangas, Quezon, na halos umabot na kami sa Baler, Quezon, sa Tanay,” sagot ni Jasmine. “Halos seven months na kaming nagti-taping, at sa ngayon nasa third week pa lamang kaming napapanood gabi-gabi pero nakakatuwa kasi mukhang nami-meet namin ang expectations ng viewers, like me, playing the role of Captain Moira Defensor, nakakatanggap kami ng mga positive comments, and thank God, wala pong bashers.”

As Moira, napakatapang niya, hindi ba siya nahihirapang i-portray ang role niya?

“Nakakatawa nga po kasi, nadadala ko yata ang eksena at dialogues ko sa pagtulog ko, napapanaginip kong nagsasalita ako ng “yes, sir!” “yes, sir!” Pero marami po akong natutunan sa role ko, ang mga sundalo, they respect each other, wala silang ere sa naitutulong nila sa kapwa nila, parang iyon po talaga ang dapat asahan mo sa kanila. Kaya po si Moira, she’s tough but soft. Makikita po ninyo ang tunay niyang character.”

Hinihintay na ng viewers na magkabati na sina Moira at TSgt. Diego Ramos a.k.a. Wolf, played by Rocco Nacino, kailan ba iyon magaganap?

“It’s fun working with Rocco, off-camera, marami kaming napag-uusapan, alam na namin ang likes and dislikes namin, madalas kaming mag-share ng videos. Pero totoo po, marami nang nagtatanong, ano raw dapat gawin ni Diego, to make me smile? “Siguro po malapit na dahil may mga nai-shoot na kaming scenes, pero hindi po namin pwedeng sabihin, hindi namin alam kung kailan mapapanood iyon.”

In two or three weeks time ay magsisilang na ang Ate Anne Curtis niya ng baby girl nila ni Erwan Heussaff, tuloy ba ang pag-uwi niya sa Australia para makita niya ang magiging little princess ng family nila?

“Yes po, nagpaalam na ako kay Direk Dominic Zapata at sa production na mawawala ako  ng ilang araw at sana maayos ang schedule para hindi ako kailangang bumalik agad pero kung kailangan na po ako babalik ako agad.”

Bukod sa DOTS Ph, may ginagawa rin palang movie si Jasmine with Enchong Dee.

Ang Descendants of the Sun ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

vuukle comment

JASMINE CURTIS SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with