^

Pang Movies

Lorna hindi akalaing magtatagal sa Ang Probinsyano

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Muling lumagda ng panibagong kontrata with Beautéderm si Lorna Tolentino bilang isa sa 45 brand ambassadors ng nasabing beauty product brand.

Masayang-masaya ang president-CEO ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan dahil naging successful umano ang kanilang partnership ni LT na kanyang itinuturing na big sister.

“More than sa pagiging brand ambassador, pamilya ang turingan namin,” pagmamalaki ni Rhea na kahit 10 taon pa lamang ang kanyang Beautéderm ay meron na itong 108 branches all over the Philipines ma­ging sa ibang bansa including Singapore and New Zealand.

Ang maganda pa sa brand ambassadors ay karamihan sa kanila ay nabigyan  ng sarili nilang kabuhayan at may kani-kanya nang sariling business provided for them ng Beautéderm.

Ang isa sa pioneers ng Beautéderm na si Sylvia Sanchez ay may tatlo nang store branches at may dalawa na rin ang actress na si Rochelle Barra­meda at may tig-iisang branch naman sina Alma Concepcion, Maricel Morales at Sherilyn Reyes at iba pa.

Samantala, bukod sa pagiging masaya ni LT bilang bahagi ng malaking pamilya ng Beautéderm, mag-iisang taon na rin ang misis ng yumaong action star na si Rudy Fernandez sa top-rating and long-running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano sa darating na March 1.

“Ang akala ko nga ay sandali lang ako sa Ang Probinsyano pero sa awa ng Diyos ay taon na rin ako sa serye,” pagmamalaki pa niya.

Saludo si LT sa dedikasyon ni Coco Martin sa kanyang trabaho bilang actor-director ng Ang Probinsyano. Napaka-hands-on umano nito sa lahat ng detalye na may kinalaman sa serye at maganda ang kanyang pakikisama sa lahat ng cast at production staff maging ng maliliit na trabahante.

Sa darating na March 3 ay ika-68th birthday ng namayapang mister ni LT na si Rudy ‘Daboy’ Fernandez kaya tiyak na isi-celebrate nila ito ng kanyang mga anak na sina Ralph at Renz at malalapit na kaibigan sa Heritage Memorial Park  kung saan nakalibing ang namayapang action star.

On June 7 naman ay pang-12 death anniversary ni Daboy.

“Parang kailan lang,” ani LT.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with