^

Pang Movies

Singer/actress ‘di pa makabalik sa abroad dahil sa mga pinagkakautangan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang pagiging magarbo kahit hindi naman kaya ang dahilan daw kung bakit nagkasabit-sabit sa abroad ang isang actress/singer nang manirahan siya doon.

Although citizen sa bansang ‘yon si actress/singer, tiyak na mahihirapan daw siyang bumalik sa dating lugar dahil marami ang maniningil sa kanya.

Kahit daw matagal-tagal na ring umalis sa bansang ‘yon si actress/singer, hindi pa rin nakakalimutan ng mga kababayan natin doon ang kapalpakan niya na may kinalaman sa airline tickets na binili nila.

‘Yun na!

Annabelle laging nababanggit ang ‘wedding ring’ ni Ruffa

Umarkila pala ng tatlong motorcycle team si Annabelle Rama para mag-deliver ng wedding invitations nina Richard ­Gu­tierrez at Sarah Lahbati.

Sa March 14 na kasi ang wedding na ‘yon at kailangan na talagang matapos ang deliveries ng invitations.

Kung iaasa pa ni Bisaya sa mga delivery service companies ay baka ma-late pa raw, kaya siya na ang namahala.

As of yesterday, 95% na raw ng invitations ang nai-deliver.

‘Yung para sa ‘yo, Ateng Salve, nasa akin na at ibibigay ko sa ‘yo mamaya sa group interview ni Lovi Poe.

Anyway, na-wow, mali!  si Bisaya noong isang gabi habang nagdi-dinner sila ng mister na si Eddie Gutierrez at balikbayan-friend na si Mary Ann Opeña (na isa sa mga ninang sa kasal nina Richard at Sarah).

Nagulat si Tita Mary Ann sa dialogue ni Bisaya habang may kausap sa cellphone.

“Naka-order na ako ng wedding ring ni Ruffa!” sey raw ni Bisaya sa kausap.

Tatlong beses daw na binanggit ni Bisaya ang tungkol sa “wedding ring” ng anak na si Ruffa Gutierrez.

“Ikakasal din si Ruffa?!” pang-uusisa ni Tita Mary Ann kay Bisaya.

Natawa na lang si Bisaya.

“Hahaha! Palagi na lang akong namamali. Wedding ring ni Sarah ang in-order ko na!” sey nj Bisaya.

Si Tita Annabelle talaga, classic!

Pelikula nina Lovi, Marco at Tony wini-wish na mag-hit 

Anyway, ‘yung group interview ngayon ni Lovi ay bilang support ng manager niyang si Leo Dominguez sa Viva Films movie niya na Hindi Tayo Pwede na magsu-showing na sa March 4.

Masaya si Leo sa magandang response sa trailer ng Hindi Tayo Pwede.

Marami nga ang nagsasabing gusto nilang panoorin ang Hindi Tayo Pwede na isang drama movie.

Actually, maganda talaga ang feedback sa Hindi Tayo Pwede kaya marami ang naniniwalang magiging hit ‘yon sa takilya.

Well, sana talaga dahil wala pa talagang pelikula ngayong 2020 ang masasabing nag-hit talaga, huh!

Sina Tony Labrusca at Marco Gumabao ang leading men ni Lovi sa Hindi Tayo Pwede.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with